Anak, hinde naman lahat ng babae ay katulad ni Eba, madami pa rin namang matitino katulad ni ma'am sa Hotel. Maganda, mabait, may prinsipyo at maalaga sa tauhan. Naku Nay kung sa pagrereto lang naman mauuwi ang usapan na ito ay matulog na kayo at gabi na. Aba'y matanda na ako, kailangan mo ako bigyan ng apo at di mangyayari yon kung patuloy kang mag-iintay kay Eba, di ba nga pinagpalit ka na sa iba. Sabay talikod ni Inay Lilia. Si Anton ay naiwan mag-isa sa sala at di napigilang magbalik tanaw. ------------------------------ Anton, kung ikaw sapat na sayo na mamuhay ng simple ako hinde, madami akong pangarap. Kaya ba pinili mong mag-abroad ng wala man lang pasabi. Magpapaalam ka ngayon kung kelan may Visa kana at aalis ka na sa makalawa? Hinde ako nagpapalam sayo, nagsasabi lang ako

