Sa talyer.. Pare kanina ka pa tulala, waiting for someone? Pambubukaska ni Josh. Siraulo, ako na naman nakita mo. Kasi kanina ka pa tinatawag ng Nanang di mo napapansin. Kakain na daw. Ah sige maghugas lang ako kamay. Sagot ni Anton. Dun na tayo sa loob kumain kasi dun naghain. Habang kumakain ay nanatiling tahimik si Anton. Maya maya pa... Inay, pwede po ba ako tumambay dito? Andeng, humahangos ka. Halika kumain ka muna. Nakita ko nagliwanag ang mukha ni Anton at Josh at sabay na ngumiti. Tumayo si Anton at pinaghatak ako ng silya at inilagay sa tabi nya. Maupo ka na dito, dagdag na sabi pa nito. Sabay kumuha ng plato. Ang tatlong kasama sa hapag ay pare parehong nagmamasid at nagkakatinginan. Nakita ko si Josh na natatawa habang nakayuko. Josh, is there something funny on

