Babe dun ka na muna sa bisita mo, okey lang ako dito. Nandito naman sila Inay. Bulong ko ky Anton. Ngayon ka lang dumating eh sila knina pa kami magkakasama. Dito lang ako. Kain na kayo, sabi ng Inay pag-upo ko sa lamesa. Opo, tara po sabay sabay na tayo. Kumain na kami Iha. Napansin siguro nila na umiikot ang mata ko sa loob ng bahay. Pasensya ka na Iha sa bahay namin ha at maliit, baka hinde ka sanay sa ganito. Naku hinde po, natutuwa nga po ako kasi ang linis tapos po cute. Malinis sa bahay si Nanang. Sabi ng Ate Sonya. Tatlo din ang kwarto dito. Yun yung kay Anton. Yung nasa unahan Kay Nanang tapos kami ng mga anak ko nasa likod. Ilan pla anak mo ate? Dalawa lang, ayun sila, sampu si Ella at kinse si Dandan. Ah malalaki na pala ate. Hayaan mo babe pag napangasawa kita ipap

