A cold starry night

1444 Words
Episode 6; Tahimik akong lumabas ng bahay suot-suot ang aking cardigan, hindi na ako nagtangka pang magpalit dahil mahaba naman ang cardigan ko bukod doon ay pantulog naman ang suot ko. I also leaved a note in my room that I'm with Hyun Bin just in case something bad happened to me. Well I can't just trust him yet! Tahimik kaming naglakad palabas, ang tanging naririnig ko lang ay sasakyan at ang ibang taong kasabayan namin sa paglalakad. Maraming bahay, maraming pasikot-sikot ang lugar na ito bago makarating sa tabing kalsada kaya ang mga studyanteng pumapasok sa Danwon High ay dapat maagang pumapasok para makahabol sa bus. Walang tricycle, jeep para masakyan palabas kaya nakakamiss. Sa murang edad ay matuto ang mga taong sumakay magisa sa bus. Noong nasa Pilipinas ako ay hindi ako makasakay magisa, dapat may kasama pa ako. I video myself while walking so I can send it to Lea, for sure she's still awake. "Its so cold," I irritatedly said before I fix my hair. The wind was enough to make me shiver even I'm wearing my cardigan. Parang dobleng lamig sa gabi kaysa sa Pilipinas at ang mga bago lang dito katulad ko ay manginginig talaga. I put my cellphone back on my pocket before throwing a glance on Hyun Bin. Para siyang statwa, diretso ang lakad, walang ekspresyon ang mukha, tila ay hindi nilalamig. Sabagay ay sanayan na lamang iyon. Ang boring kasama.. "Ajig an wass-eoyo?" (Aren't we there yet?) Tanong ko at nakitang sumulyap ito sa akin. "Ulineun gakkawossda," (We're near,) Tipid nitong sabi. "Dangsin-eun chagab?" (Are you cold?) Narinig ko ang bahid nang pagaalala sa kanyang boses. "A bit?" Hindi ko siguradong saad dahil nasasanay na din naman ako sa malamig na hangin. Napatigil ako ng maramdamang may naglagay ng kung ano sa balikat ko. When I look at it, I see his jacket. Napatingin ako sa kanya pero tahimik lang ito at sa sahig lamang nakatingin. Tipid akong ngumiti bago iniyakap sa akin ang kanyang jacket, dinadama ang dulot nitong init. Tumigil kami sa isang convinience store bago ko naramdaman nag paglingon nito kaya tumingin ako sa kanya. "Go in first," tumango ako bago naglakad papasok, hindi naman na malamig kaya iniabot ko sa kanya pabalik ang jacket nito at kaagad niyang tinanggap. Nakasunod lang ito sa akin habang naghaganap ng yogurt. Dapat sisihin ko si Lea dahil siya ang nagrekomenda sa akin ng mga pagkain an dapat kong subukan. Nagtataka din tuloy ako kung masarap ba o hindi. Kumuha ako ng dalawang strawberry flavor, not that I like strawberries, iyon kasi ang una kong nakita. Inabot ko ang isa kay Hyun Bin at tipid na ngumiti. "Geugeos-eun dangsin-eul wihae." (Its for you.) He shook his head. "Nae chilyo," (My treat,) bahagyang napataas ang aking kilay bago umiling, hindi payag sa kanyang sinabi. "Ani, na seuseulo hal su-iss-eo." (No, I can pay it for myself." Binigyan ako nito ng tipid na ngiti bago kinuha ang dalawang yogurt sa aking kamay. "I don't uhm..let pay girls that I've asked out." Mukhang hindi pa ito sigurado sa kanyang sinabi dahil napahawak pa ito sa kanyang batok. Mukhang sinusubukan niyang gumamit ng salitang ingles para sa akin kahit na nagkakabuhol-buhol ang dila niya. "Its really okay, I can pay it for myself." Pagtanggi ko pa at akmang kukuhain ko na sa kanya ngunit mabilis niya itong itinaas. Hindi ako mahilig sa libre! Kaya nga may pera ako e. "Ani..I will not let you." Napairap na lang ako bago muling nagtingin-tingin ng makakain habang nakasunod pa din ito sa akin. We're both seating in front of the glass, looking at those people walking on the street. Inabot niya sa akin ang corn dog, noong una nagtataka ako. Bakit siya tinawag na corn dog? Hindi naman siya hugis aso. I mentally laughed, Its stupid.. Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang nagrerequest ng video call si Lea, nilagay ko lang iyon sa tapat ng salamin para hindi ko na hawakan bago sinagot ang tawag niya. "Huy, gugutom ako. Kakatapos ko lang magprint." Mahina akong natawa. "Kumakain ako, bakit ang dilim naman?" Tanong ko, mukha pa siyang tumayo at naupo sa shivel chair niya bago ko pa nakita ang mukha nito— mukha siyang sabog. "Hala? Nasaan ka?! Gabi na, naggagala ka pa?" Anito. "Hindi naman kita tinuruang gumala ah?" "Kumakain lang ako at hindi ako nagiisa 'no." Tinapat ko kay Hyun Bin ang camera na napatigil pa sa pagkain. "Ay gago," I heard Lea said. Iniharap ko sa akin ang camera dahil sa sinabi nito at sinamaan siya ng tingin. Parang tanga. "Klea Veron." Madiin kong saad kaya napatigil ito at nagpeace sign. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Uh..what's gago?" Mariin akong pumikit bago pinanlakihan ng mata si Lea. "Geu yogseol...mianhe." (Its a profanity...sorry.) Mukha siyang nagulat dahil sa sinabi ko kaya lalo akong nahiya dahil kay Lea. "Hyun Bin! Sorry, I'm just shock! Hala? Are you mad? Sorry, its just an expression, promise!" Natatarantang saad ni Lea. "Ani..I understand.." Mahinahon nitong saad bago sumulyap sa akin at ngumiti. "I'm so sorry! I really didn't mean it! I swear!" Nakakaintinding tumango ang lalaki. "Its really okay..." "Why are you together at this hour?" Seryoso nitong saad. Nagkatinginan kami ni Hyun Bin at parehas lamang na nagkibit balikat bago ko kinagatan ang aking corn dog. "Hoy!!! Pahingi!! Favorite ko 'yan!" Atungal nito, kahit kailan talaga papansin. "Ipadala ko ba diyan?" Natatawa kong tanong, napanguso naman ito, mukhang nagugutom na kaya narinig ko ang padabog nitong pagtayo at lumabas ng kwarto. "Wae?" (Why?) Hyun Bin asked. "Geunyeoga gajang joh-ahaneun." (Its her favorite.) Saad ko at tinaas ang aking corn dog sa kamay. Natigil ang video call at mukhang nilapag niya muna bago ko narinig ang pagbukas ng refrigerator. Ilang minuto pa ang nagdaan bago niya kinuha ang cellphone at mukhang pabalik na sa kwarto nito. "You have a package here," sambit ni Lea bago ipinakita sa camera ang dala ni Lester kanina. "Did you check it?" "Not yet, I was busy printing the stickers. Check ko ba o ipapadala ko na lang diyan?" Matamlay nitong saad kaya napabuntong hininga na lang ako. "Lea, I'll give you many corn dog if I can. Hmm? Okay? Kung pwede lang ipadala, Lea." Mahinahon kong saad, tinapat niya sa mukha niya ang screen na nakanguso ngayon. "Gusto ko niyan," "Just cook yours muna, after I come back there, I'll cook a corn dogs for you. Hmm?" "Matagal ka pa babalik. Baka nga hindi ka na bumalik e, daya-daya nito." Naiiyak niyang sabi kaya nagiwas na lang ako ng tingin. "Lea, I will come back, okay? You know I will." "Hmm...nasan na iyong kasama mo? Hindi mo na ata naasikaso." Hinarap ko ang camera kay Hyun Bin na nanonood pala sa amin. "Annyeonghaseyo," bati nito kay Lea. "Annyeonghaseyo, hehe. Tatanggalin ko na para makita mo." Tumango ako, nilagay niya pa ang cellphone sa mini tripod niya bago binuksan ang box. We eat quietly while watching Lea, she's having a trouble on the box. "Oh? Its from Lustre Philippines, rejuvinating set and liptints." Madahan akong tumango. Inilagay niya iyon sa gilid bago nagbukas ulit ng package. "From Hugs and Kisses at Glitz 'n berry, set din. Yaman naman ni girl, daming sponsor ah." Matipid akong ngumiti bago natatawang umiling at uminom sa aking yogurt, napatingin ako kay Hyun Bin na nakalumbaba habang nakatingin sa akin. Mabilis niyang nilipat ang tingin sa cellphone ko at pinanood si Lea. Hindi ko na ito pinansin at ginaya siya. "Piliin mo ang gusto mo at ilagay mo na sa box iyong iba, then kapag pinadala mo na sa akin, isama mo na ang mga box na kukuhain mo sa seller at iyong freebies." Sunod-sunod kong sabi, tumango naman siya at nanatiling nakikinig sa akin. "Then I'll try to build around hundred of resin for you, so you can have your stocks. Alright?" Ngumiti ito at tumango. "Okay, boss!" I chuckled. "Hyun Bin, its already late, aren't the two of you go home? You have class tomorrow, right?" Napatingin ako sa relo ko at nakitang magaalas dose na. "Uh...yes, jib-e gago sipni?" (Do you want to go home?) Nagpipigil ako nang tawa dahil binanggit niya iyong 'gago' at mukhang hindi niya napansin. "Ye," pagsagot ko, humarap ako kay Lea. "Call me, I'll hang it up." "Sige! Bye Hyun Bin, take care of Aen! Hoy babae huwag kang lalandi diyan!" Inismaran ko lang siya bago pinatay ang tawag. Tumayo ako at niligpit ang kalat ko at naramdaman kong muli ang paglapag ng kanyang jacket sa aking balikat bago niya marahan hinawakan ang aking siko at sabay na lumabas sa convinience store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD