“May boyfriend ka ba, Roana?” Panay ang lunok ni Tita habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Ginigiya ko ito papunta sa OB ko. Di ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanyang buntis ako. Balak ko talagang wag nang ipagpaalam iyon. Kaso... mas lalong magkakagulo. Karapatan niya ring malaman iyon. Bago man lang matapos ang lahat. “Di ko po alam kung matatawag kong boyfriend, Tita. I don’t wanna assume. Or I stop concluding because it’s useless.” Tumitig lang ito sa akin. Ramdam ko ang pakikisimpatya nito. Ngumiti nga lang ako habang nakatitig sa hawak nitong sobre. Resulta ng DNA, ako ang nakiusap... akala ko kasi pwede pang maiba. “Mommy mo na, hija?” Tukoy nito sa kasama ko. Nag-aalangan pa ako no’ng una habang humihingi nang permiso mula kay Tita Agnes. Nang tumango ako e ipinaliwanag

