KABANATA 28 ROCKEY MARTINEZ ( POV ) NASA LABAS AKO NG BAHAY NI NOSGEL AT INAABANGAN na naman siyang umuwe ngayun gabi. Araw araw ko 'tong ginagawa dahil umaasa ako na makikita ko siya ngayun pero mailap talaga ang babae. Hindi ko nakikita o naaabutan. Minsan kasi ay may pasahero kaya sinasakay ko muna dahil sayang naman kung hindi ko isasakay. Pero ang ending ay hindi ko naman siya naaabutan na umuwe. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Wala naman akong pakialam kung ayaw niya ako kausapin, pero nababaliw na kasi ako kakaisip sa kanya. Palagi siyang pumapasok sa isip ko kahit 'di kona siya iniisip. Tapos palagi pa pumapasok sa isip ko ang ginawa ko sa kanya at nanghihinayang ako dahil 'di ko siya inangkin no'ng gabi na 'yun. Kailangan ko ata na angkinin ko siya para manahimik na a

