KABANATA 13 ROCKEY MARTINEZ ( POV ) NAGBIBIHIS AKO NG PINAKA-UNIFORME NG MAY YUMAKAP SAKIN mula sa likuran ko kaya mabilis akong humarap. At tama ang hinala ko, si Karen na naman ang salarin. Wala naman ibang gumagawa no'n kundi si Karen lang. Kapag alam niyang nandito na ako at walang kasama sa storage room ay pinupuntahan niya talaga ako. " Ano bang ginagawa mo?" May bahid na inis na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin na tila walang pakialam kung galit ako. Lumapit siya sakin na may pang-aakit sa labi at niyakap ako sa leeg. " Ayaw mo ba sakin? Maganda naman ako at seksi, bakit ayaw mo sakin?" Inalis ko ang kamay niya sa may leeg ko saka lumayo dito. " Alam mong sa una palang ay sinabi kona sayo na hindi kita type at kaibigan lang ang kaya kung ibigay sayo." Sabi ko sa kan

