KABANATA 40 NOSGEL ( POV ) AGAD AKO NAPAIRAP SA HANGIN NG MAKITA KUNG LUMAPIT SI Karen kay buboy at kumapit agad sa braso ng binata saka maarte na nagsalita. " Samahan mo naman ako. Inutusan ako ni daddy sa bangko." " Hindi ako pwede, may service ako." Tanggi naman ni buboy sa dalaga saka inalis ang kamay ni Karen sa braso nito. Pero muli lang kumapit si Karen sa braso ni buboy. Ang sama naman ng tingin ni lola kay Karen saka padabog na binagsak ang takip ng kaldero. " Bakit ba nandito ang babaeng 'yan?" Bulong ni lola pero sapat para marinig 'din namin. Pero nakita kung umirap sa hangin si Karen bago nagsalita. " Magpapasama lang ako lola kay buboy." " Saan naman kayo pupunta?" Galit ang tono na tanong ni lola kay Karen habang inaasikaso ang pansit canton ko. " Sa bangko lola." Sa

