KABANATA 20 NAPAKUNOT ANG NUO KO AT NAPASUGOD AKO SA BAHAY NI NERI ng makita kung magkasama ang dalawa. Si Ara at Neri habang patungo sa bahay ng EX ko. " Ara sandali." Sigaw ko ng makita kung papasok na sila sa loob ng bahay ni Neri. Humarap sila at nakita ko ang gulat sa kanilang mukha ng makita ako. " Ate." Gulat na sambit ni Ara. Hindi ko alam pero bigla ko siyang sinugod at sinampal sa pisngi. Sa subrang bilis ng pangyayare ay hindi agad na protektahan ni Neri si Ara at galit na tumingin sakin. " Anong problema mo? Bakit bigla bigla kana lang nanunugod at nanampal? Buntis si Ara." Galit na saad nito pero hindi ko siya pinansin kundi kay Ara ang atensyon ko habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko. " Kapal ng mukha mo no? At talagang nagpabuntis kapa talaga sa lalaking 'yan?

