KABANATA 48 NOSGEL ( POV ) NAPALINGON AKO KAY BUBOY NG MARINIG ANG SINABI NIYA. Naglalakad na lang kami patungo sa bahay habang kumakain ako ng kwek-kwek. Nilibre niya ako, ayaw ko sana dahil 'di ako kumakain kapag sa labas nabibili lalo na kung sa kalsada pa. Kaya lang makulet talaga ang lalaking 'to, kapag daw nagkasakit ako ay siya ang mag-aalaga sakin. Hindi na lang ako nakipagtalo at masarap naman ang kwek-kwek lalo na kapag sinawsaw sa suka. Never pa akong kumain no'n dahil natatakot akong kumain no'n. Nakikita ko lang sa mga kalye, minsan bumibili si Rosario pero hindi ako humihingi. Natatakot akong ma-hospital kaya ingat ako sa mga kinakain ko. " Ano?" Ulet ko sa tanong niya sakin. " Sabi ko susundin mo ba si lola? Diba sabi niya ay pahirapan mo ako kapag nangligaw ako sayo?"

