KABANATA 22 ROCKEY MARTINEZ ( POV ) GALING AKO SA TRABAHO AT KASAMA KO SI KAREN NGAYUN DAHIL GUSTO niya makigulo samin. May dala siyang cake para kay Marissa. Ewan kung magugustuhan ng bata dahil siya lang ang gumawa no'on. Pagdating ko sa bahay nakita ko agad ang pamangkin kona malungkot. Kaya naman agad akong lumapit sa kanya. " Oh, bakit malungkot ang bunso namin? Birthday na birthday mo." Anang ko sa kanya na napaiskwat pa ako para magpantay ang mukha namin dalawa. " Wala pa po si ate. Sabi niya sakin maaga siya sa birthday ko." Malungkot na sagot niya sakin habang malungkot ang mukha niya. Napabuntong hininga ako ng malalim. Ito na nga ang sinasabi ko eh, ayaw ko sa lahat ay 'yung pinapangakuan ang batang ito dahil nagiging malungkot. " Baka na late lang, bunso." Sabi ko sa kanya

