KABANATA 38 NOSGEL ( POV ) NAPALINGON AKO SA MAY pintuan ng kwarto ko ng bumukas iyon at i-luwa si buboy. Bumilis ang t***k ng aking puso ng makita ko siya. " Hi, good morning." Bati niya sakin na may ngiti sa labi habang lumalapit. Umiwas naman ako ng tingin dahil mas lalong bumibilis ang t***k ng aking puso kapag nakatingin siya sakin. " Hello." Pabalik kung bati pero hindi ako nakatingin sa kanya. " Kamusta ang pakiramdam mo? May lagnat kapa?" Anang niya sakin ng makalapit. " Ito may lagnat parin. Salamat pala sa iniwan mong gamot at pagkain kagabi." " Wala 'yun." Aniya at nagulat ako ng lumapit siya sakin saka sinalat ang nuo ko. " May lagnat kapa, kailangan mong kumain at uminum ng gamot. Ilang araw na 'yan, bakit hindi kapa magpacheck up? Baka iba na 'yan." Maya-maya'y tanong

