“Lawrence wag tayong maglokohan dito. Ano ba talaga ang ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Sinong kasama ni Veronica magpapasko? Tsaka paano mo nalaman ang bahay namin? At bumiyahe kang mag-isa? Seriously Lawrence?” Sunod-sunod na tanong ko habang palakad-lakad sa harap nito. Hindi ako makapaniwala. Napaka imposible ng lalakeng to! “Hija, hindi ba pwedeng pagpahingahin mo muna ang bisita mo? Halatang pagod ang tao sa tagal ng biyahe.” Mommy butted in. “Hindi ko siya bisita Mi! Naligaw lang yan siguro.” Irap ko sa hangin. Pinanlakihan ako ng mata ni Mommy. “Galing ka pa bang Davao niyan, Hijo?” Puno ng pag-alala ang nasa mukha nito habang nakatingin kay Lawrence. “Yes Ma'am. Actually, sadya ko po talaga ang dalaga ninyo.” Magiliw na sambit nito sa aking ina. I snorted. “Wala akong sak

