Paikot-ikot ako sa sala. Nakagayak na silang lahat habang ako ay nakatanga pa. Hindi ako mapanatag. Sobrang tensyonado ako.
“Emz mag e-eight na pero wala pa si ate Love. Male-late na tayo. Bakit kasi ayaw mo na lang suotin ang spare gown mo. Maganda naman yun ah.” Medyo aligaga na rin si Mary. Ramdam ng buong grupo ang pagiging tense ko.
“Mauna na lang kayo sa akin. Susunod na lang ako or much better kung dito na lang ako at hindi na dadalo. Mas mabuti pa siguro.” Ang sambit ko habang lumalapit kay Jaze para ayusin ang natabingi niyang bow tie. Ayokong suotin ang gown na dala ko. Masyadong revealing yung pinabaon ni Mommy. Baka yung gown ni ate Love mas conservative.
“No! Hindi pwede! You should be there! Papaano na lang pag tinawag nila ang school natin! Sinong lalapit sa stage! Definitely not me! Ikaw ang leader ng grupo kaya whether you like it or not you should be there! Or I swear to god, I'm gonna drag your ass out from here!” Pinanlakihan ako ng mata ni Jaze. Umismid ako. Akala naman niya matatakot ako sa kanya.
“Jeez! Your reactions are so OA. Pwede ba Jaze, calm your effing t**s. At huwag mo ako sigawan dahil hindi ako bingi! Ang lapit ko lang sa'yo.” I sighed dramatically. “Hindi naman siguro sila nangangain ng tao noh? So walang dapat katakutan. I don't think there will be a need for us to stand in front of everyone. That would be awkward, and the guests might find the whole party boring, sa dami ba naman nating trainees.” Minsan, ang sarap lang talaga sabunutan ng lalakeng ito.
“Calm down y'all, will you? Mauna na nga tayo kay Emz. Nakakahiya naman kung malate pa tayo. Emz, basta you should be there. We need to have a group photo at the reception for our report, remember? That's why you need to be there.” Si Aireen sabay kuha ng pouch niya at lumapit kay Jaze para umangkla sa braso nito. Jaze raised his eyebrow while he looked down at Aireen. He then just shrugged.
Aireen was wearing an emerald green dress. Straight cut at simple lang. But she looked absolutely stunning. Lizette wore the palest blue silk gown na hanggang tuhod lang ang haba. Tube style siya at perfect sa bilugan niyang dibdib. While Mary wore a black haltered gown na perfect sa kulay ng balat niya. Jaze wore a Tuxedo. They looked perfect for tonight's party.
Sabay kaming napalingon sa pinto nang makarinig kami ng katok. Lumapit si Lizette para buksan ang pintuan. It was Ate Love na dala-dala ang gown na susuotin ko. Somehow, I felt relieved. Makaka-attend ako sa party at makikita ko siya.
“Hello everyone! Sorry Emz kung ngayon lang ako. Nagkaproblema sa sasakyan along the way. Here's your gown. I'm excited to see you wearing this.” Her smile was apologetic. She handed the gown to me na nakabalot sa transparent na plastic at naka-hanger pa.
“No worries ate. Thank you for this. By the way, you look beautiful.” I gave her my sincerest smile. She really looked good. Parang bumata ng ilang taon ito dahil sa ayos.
“Thank you pero wala pa sa kalingkingan ng kagandahan mo." She chuckled. "So mauuna na ako sa inyo, mga girls. My husband is waiting in our car. He's my escort for tonight.” Kindat pa niya before she rushed through the open door. We waved at her.
Pagkaalis ni Ate Love ay sumunod na rin ang mga kaibigan ko. I ran upstairs to prepare. Nakaligo na rin naman ako kaya magbibihis at magmemake-up na lang ako.
Sinuot ko ang gown at sinuri ang sarili sa malaking salamin. I instantly fell in love with it. I felt like the gown was made for me. It was perfect. And because it fitted on me, mas na-emphasize ang kurbado kong katawan. The gown was bloody red in color with one diagonal strap. May maliliit na beads na nakapaligid sa may dibdib na katulad ng mga bituin na kumikinang. Medyo sumisilip ng bahagya ang aking cleavage. Mas lalo ring nadepina ang maliit kong bewang. Hanggang paa ang haba nito pero kita pa rin ang black stilletos na suot ko. May slit ito hanggang sa kanang hita ko. Light make-up lang ang nilagay ko sa aking mukha but chose red lipstick to compliment the color of the gown. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at tuwid kong buhok, but I added a very thin silver headband on it. I brush my bangs to the left side. Wala akong suot na jewelries maliban sa pekeng diamond stud earrings na nabili lang namin sa mall. Pinasadahan ko pa ng sulyap ang repleksyon ko bago ako huminga ng malalim. I felt satisfied of myself. Masama bang purihin ko ang anyo ko kahit paminsan-minsan? Should I worry or should I feel blessed dahil sa hitura ko? I shrugged my shoulders as I smiled. I should be proud of who and what I am. After all, I owe my genes to my parents and I could not thank them enough.
I was ready to leave the apartment. I glanced at my wristwatch. It's quarter to nine in the evening. Hindi naman siguro ako makakaagaw ng atensyon dahil lang sa late akong dumating.
Nasa bungad na ako ng Grand Ballroom. Akala ko ay nag-umpisa na ang event pero hindi pa pala. Ang obvious tuloy ng pagdating ko dahil ang iba sa kanila ay tumatambay pa sa entrance ng ballroom. Most of them looked my way. I started to feel anxious. I expected this but I don't think I can ever get used to this. Some of them waved at me kahit hindi ko sila kilala at namumukhaan ko lang. Wala akong choice kundi gantihan sila ng alanganing ngiti.
Habang papasok ay hinanap ko sa dagat ng tao ang aking mga kaibigan. Oh, there they are. Medyo nasa sulok ang pwesto ng table namin at medyo may kadiliman doon na siyang ikinatuwa ko. Lumapit ako sa kanila at naupo sa bakanteng upuan. I assumed the vacant seat was mine.
“Hey, you're here. We're not starting yet. Hindi pa ata dumarating ang CEO at si Ms. Veronica. By the way, you look exceptional as always, my friend.” Wika ni Lizette na nasa bandang kaliwa ko.
“That, we couldn't agree more.” Ngising sagot naman ni Mary. I just rolled my eyes upward. Samantalang si Jaze at Aireen naman ay ngumisi lang sa akin at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa ministage. Mayroon kasing bandang tumutugtog sa kasalukuyan.
Luminga-linga pa ako para makita kong saan banda sila ate Vanz at ate Love na-upo. Sumulyap sa gawi ko ang grupo nila Juztin and they gave me a hand salute, teasing me. Ngumuso ako sa kanila at tumango.
Maya-maya lang ay nagsalita na ang MC na naka-pwesto sa gilid ng stage. "Ladies and gentlemen, welcome to our 30th Anniversary Special Party. We are very pleased that all of you are gathered here to join and celebrate with us. From the bottom of my heart and all those involved in organizing this meaningful event, thank you very much! Please have fun and enjoy the rest of the night!" The enthusiastic MC said, and we gave her a round of applause.
Everybody was enjoying the party. They danced here and there. Laughed here and there. Samantalang ako ay nakaupo lang at unti-unti nang nababagot. My friends were in the dancefloor and when I glanced at them, they were dancing shamelessly. I grinned at them. Lumapit din kanina sila Juztin para imbitahan akong sumayaw but I politely refused them. May hinahanap ang mga mata ko at bigo ako dahil wala pa siya. Ang plano ko pa naman ay pag nakita ko na siya at pag nakontento na ako sa pagtingin sa kanya ay mauuna na ako sa pag-uwi sa kanilang lahat.
“OMG! Emz darling! You look fabulous!” Nabigla pa ako sa biglang pagsasalita ni ate Vanz. Nakalapit na pala siya sa mesa namin nang hindi ko namamalayan.
“You look stunning too, ate Vanz.” I smiled back at her.
"Goodness! The dress suits you impeccably!" Puna rin ni ate Love na lumapit na rin sa amin. She seemed delighted of my appearance.
“Thank you mga ate. Kotang-kota na talaga ako sa pambobola ninyo.” Ngumisi ako sa kanilang dalawa. Umirap ang mga ito sa akin pero ang ngisi ay hindi napalis sa mga labi.
“Ewan ko sa'yo. Bakit andito ka lang at nag-iisa? Are you bored? Bakit di mo sabayan ang mga kaibigan mo. Tingnan mo sila ang ha-hyper.” Si ate Vanz.
I bit my lower lip. “Mamaya nalang siguro ate.”
“Emz, If I were you, hindi ako magmumukmok dito. Sayang ang ganda ng outfit natin kung iuupo mo lang yan dito. Marami tiyak nag-aantay na maisayaw ka. It's not bad to let your guards down once in a while. Enjoy and have fun while you're still young.”
They don't understand but I managed to give them a nod. “Nag-e-enjoy ako mga ate. And don't worry, bumubwelo lang ako. Mamaya masumpungan nyo na lang akong nasa gitna na pala ng dancefloor at humahataw na sa sayawan.”
“You'd better be. Mamaya sayaw tayo ha. Kailangan ko lang ng konting lakas ng loob dahil nakakahiya sa asawa ko kung magwawalwal ako ng ganito pa ka-aga.” Ate Love chuckled candidly.
“Isabay nyo ako sa plano nyong yan. Ayoko rin namang magmukmok lang sa mesa natin, Love. Ang mga asawa natin ay mukha namang nag-e-enjoy sa company ng isa't isa. At malabo pa sa plastic labo na isasayaw tayo ng mga mister natin.”
Humalakhak si ate Love. "Nga naman. O siya, babalik na kami sa upuan namin, Emz, at baka kung saan-saan pa maggala ang aming mga asawa." pamamaalam ni ate Love at humawak sa kamay ni ate Vanz.
“See you laters, bebe. Enjoy the party, okay?” Paalam ni ate Vanz at bumaling sa aking mga kabigan na nasa di-kalayuan. Sabay silang tumalikod papunta sa kanilang nakalaang pwesto.
“Ladies and gentlemen, may I have your attention please." Singit ng host at namatay ang maharot na tugtog. Nagsipag-upo ang mga tao at bumalik na rin sa mesa ang aking mga kaibigan.
“Let us all welcome the special people behind the success of Dela Vega Suites all these years. Please give a round of applause to Ms. Veronica dela Vega and Sir Lawrence dela Vega!” Masiglang sambit ng host. Lahat kami ay tumayo habang pumapalakpak sa dalawang tao na dumating.
Inalalayan ni Lawrence ang kapatid sa paglalakad and they stopped in front of the stage. They were a fine sight to behold. Veronica dela Vega is definitely the prettiest woman I've ever known. She's smiling all way out. And Lawrence dela Vega is devastatingly gorgeous as ever. He gave us his heart-stopping smile and girls are deliberately swooning over for him. His eyes roamed around the huge place na para bang may hinahanap. When his gaze landed on me, my heart automatically skipped a beat and I literally held my breath. I couldn't take my eyes off him.
It's as if time stood still just like the first time I met him.
Tumango siya ng bahagya na tila ba he acknowledged my presence. Nagpasalamat ito sa mga empeleyado nila at sa mga nagtagal sa serbisyo kahit noon pang ang mga magulang nila ang namumuno. Pagkatapos ng maikling speech ay bumaba sila sa stage at nagtungo sa long table na nasa gitna at harap naming lahat. Ang mga mata ko ay nakasunod pa rin sa lalake. He shook hands sa mga head managers ng iba't ibang departamento ng hotel na nakaupo sa long table. He seated next to Ms. Veronica. But there's this guy na nakaupo sa kabilang gilid ng babae at tila sila nag-uusap nang masinsinan.
Umupo na ang lahat ng tao and when I was about to tear my gaze away from their direction, tumayo ang lalakeng katabi ni Ms. Veronica at umikot sa kabilang table kung saan may apat na lalake ang nakaupo doon.
Kumunot ang noo ko. That guy! I knew him! Siya yung lalake sa dancefloor! And when Sir Lawrence joined their table, he did handshake-hug to everyone there. They all seemed really close, parang magkakabarkada. Agad na nanlaki ang mata ko and napasinghap ng malalim. Now I know why Lawrence looked familiar!
He was the guy with a black polo shirt!
The guy who was French kissing the blonde woman in the bar!