“Emerald maniwala ka sa akin, hindi kita kayang saktan. Lahat ng iyon ay palabas lamang.” Patuloy na kwento ni Lawrence. Umiling ako. “Bakit pakiramdam ko totoo ang lahat ng iyon? Lahat ng sinabi mo sa akin noon, lahat ng rason na binigay mo sa akin kaya inayawan mo na ako.” “Because I needed to pretend that it's all true. I had to. Ayaw kong masira ang plano ko para hulihin ang taong nagbanta sa buhay ko at sa buhay mo.” Sagot niya. Nakakapanghina ang mga pinag-uusapan namin ngayon. Wala sa sariling naupo ako sa single bench na naroon. Kumilos si Lawrence at tumabi sa akin, holding and pressing my hands at the same time. “Sobra-sobra ang takot ko Emerald. Na baka may mangyaring masama sa'yo. Yeah, I have all the money and power to protect you, and I swear to God I'll protect you with

