TIIM-BAGANG na napabuntong-hininga si Gawen habang nagpapalakad-lakad siya sa loob ng library. Panay rin ang hagod niya sa kaniyang batok at hindi malaman kung ano ang kaniyang gagawin sa mga sandaling iyon. Tama ba ang naging desisyon niya na pinaalis niya si Gelaena? Iyon ang tanong na kanina pang gumugulo sa isipan niya. Hindi naman siguro siya masisisi ni Gelaena kung bakit niya ginawa iyon, hindi ba? Nabigla siya sa mga nalaman niya kaya hindi niya mapigilan ang sarili na makadama ng galit dahil doon. Oh, damn. Bakit din kasi hindi niya agad na-realized nang una pa lamang na pareho ng apelyido sina Gelaena at si Carlos Crisostomo na siyang salarin sa pagkamatay ni Eula? Napapikit siya nang mariin nang tumingala siya sa kisame. At mayamaya, napalingon siya sa bumukas na pinto ng l

