“HUWAG mo nang pansinin ang mga sinabi ng Ella na ’yon, bes,” sabi ni Arlene nang lumapit ito sa tabi ni Gelaena. Nakaupo pa rin siya sa sofa at nakatitig sa kawalan. Hanggang ngayon ay ayaw pa ring mawala sa isipan niya ang mga sinabi ni Ella sa kaniya kanina. Totoo nga ba iyon? Totoo ba na magpapakasal na ang dalawa? E, paano naman sila? Paano naman siya? Paano ang relasyon nila ni Gawen? Iyon ang mga katanungang naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Nang maramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata ay kaagad niyang kinagat nang mariin ang pang-ilalim niyang labi at pagkatapos ay humugot siya nang malalim na paghinga at marahan iyong pinakawalan sa ere. “Gelaena!” “W-wala pang sinasabi sa akin si Gawen... t-tungkol dito,” sabi niya. “E ’di kausapin m

