Naalimpungatan ako sa gitna ng aking pagtulog ng makaramdam ng pagdantay ng nakakakiliting bagay sa aking leeg. Pupungas-pungas na nagmuklat ako ng mata. Malamlam na liwanag na nagmumula sa lampshade ang tanging ilaw na tumatanglaw sa kabuuan ng silid ngunit sapat upang maaninag ko kung sino ang nakadagan sa akin. "Drix?" sambit ko. Nakabaon ang mukha nito sa leeg ko. He is sniffing on my skin and enjoying my scent. Inabot ko ang buhok niya at marahang hinaplos. Nag-angat siya ng mukha at nakangising tumitig sa akin. "Hi sweetie." Ang kanyang mapungay na mata ay bahagyang namumula. Langhap ko rin ang amoy ng alak sa kanyang hininga. "Lasing ka ba?" Bahagya kong iniangat ang sarili at itinukod ang dalawang siko sa aking tagiliran. Ibinagsak ni Drix ang sarili sa tabi ko. " Konti," itina

