" Senyorita nakahanda na po ang sasakyan," abiso sa akin ni Dan. Tinanguan ko ito. Bitbit ang baong pananghalian ay lumabas na ako ng kusina. Pupunta ulit ako sa opisina ni Drix. Naglalambing ito bago umalis kaninang umaga na kung pwede ko siyang ipagluto ng paboritong ulam at sabay kaming mananghalian sa opisina nito. " Mama,sama ako." Napangiti ako. Huminto ako sa paglakad at lumuhod sa harapan nito. " Magbebehave ka ba kapag isinama kita?" tanong ko. " Opo. Sama ako,please!" Sagot nito na pinatulis pa ang nguso at pinagdikit ang dalawang kamay habang nagsasalita. I laughed at her sweet gesture. " Hindi mo kukulitin si Daddy mo sa work?" Umiling ito at nag-beautiful eyes. " Sige, palit ka na ng damit!" Nagtatatalon ito sa tuwa sa sinabi ko. Agad itong inalalayan ni Roan paakya

