" Good morning Teacher Rose!" Napangiti ako ng sabay-sabay na tumayo upang bumati ang mga bata sa akin. " Good morning children. Sino magli-lead ng prayer?" Mas lumuwag ang ngiti sa aking labi ng magtaas ng kamay ang isa sa pinakamahiyain sa kanila at humakbang papunta sa harap. " Are you ready to pray classmates?" mahina ang boses nito at nakayuko ng nagsalita. "Yes we are!" " The name of the father, the son, the holy spirit, amen..." Bahagya akong yumuko pero nakamasid sa mga bata habang nagdadasal. Sila ang mga bata na anak ng karamihan dito sa isla. Liblib at malayo sa kabayanan ang isla. Wala ritong paaralan o kahit na anong day care center kung saan pwedeng makapag-aral ang mga batang tulad nila. Kailangan pang sumakay ng bangka para makatawid sa kabilang isla kung saan nar

