" Kailangan ba talagang ito ang isuot ko? Come on sweetie, iba na lang please!" Napanguso ako ng marinig ang pagmamarkulyo ni Drix. "Costume lang 'yan Drix!" kunwa'y iritableng sagot ko para itago ang katuwaan sa nakikita kong reaksyon nito. "Tsaka bakit ako lang? Dapat pati ikaw!" dagdag pa nito habang padabog na hinahawi ang laylayan ng suot. "Hindi ako kasali sa usapan. 'Tsaka Drix pwede ba! Huwag ka ngang maarte! Nangako ka kay Diday. Gusto mo bang magtampo sa'yo ang anak natin?" nakataas ang kilay na bigkas ko. Nagmamaktol na ipinadyak nito ang isang paa habang sambakol ang mukha na umikot sa harapan ng salamin. Hindi ko na kinaya, napatawa ako ng malakas. "Sweetie naman! Iba na lang please! Pwede namang bear mascot. Bakit fairy princess pa?" Napahagalpak ako lalo ng tawa. Ngay

