Kasunod nitong pumasok si Dan. Gusto kong maiyak sa sobrang kaba habang nakatingin dito na humahakbang palapit. Hindi ko alam kung papaano pakakalmahin ang sarili mula sa labis na nerbiyos na nararamdaman. Tatlong taon na ng huli ko siyang nakita. At sa huling pag-uusap namin ay isang katotohanan tungkol sa pagkatao ko ang nagpagimbal at nagpabago sa takbo ng buhay ko. Siya ang ama ko at anak niya ako. Masakit ang dulot ng katotohanang iyon sa akin kung kaya't pinili kong lumayo. Hanggang ngayon ang katotohanang iyon ay nagdadala pa rin ng labis na kalituhan sa puso ko. " Magandang umaga Rosallie," bati niya sa akin hustong makalapit siya. Tila umurong ang aking dila na hindi ko magawang magsalita upang ibalik ang pagbati dito. Nanatili lamang akong nakatulalang nakatitig dito. Kumibot

