Chapter 10 -Gemmalyn- Napagising ako ng wala sa oras ng maramdaman ko ang masakit sa aking tiyan, humihilab ito ng para akong natatae, tapos ay sasakit ng hindi ko alam kung sana ko hahawak dahil sa sadyang masakit na talaga. Inabot ko ang botton na malapit lang sa ulunan ko, nakakonek kasi ito sa buong mansion kapag tumunog ito ay siguradong maririnig ng lahat. At ilang sandali lang ay nagdatingan ang mga tao ko at maging Mira ay nakikita akong humahangos papasok ng aking kuwarto. “Kamusta anong nararamdaman mo Gemm?” Natataranta nitong tanong sa akin “Ayos lang ako, pero parang manganganak na ako.” Pabiro ko pang sabi dito kahit na nahihirapan na ako. “Buwisit kang babae ka, manganganak ka na nagbibiro ka pa yan.” Galit naman nitong turan. Natawa na lang ako dito at saka ko

