Chapter 8
Renzo POV
“Napapangiti siya mag isa, hindi dalawin ng antok. Pinapanood si Isabella habang tulog. Hinaplos nito ang pisngi. Teasing her seems like addictive thing. Hindi inasahan na maramdaman ko ito sa tanang buhay ko. Napangit si Renzo sa sarili.
‘Pero hindi mo naman mahawakan. Bulong ng isang sulok ng isip nito. Alam ko, “I don’t believe a real marriage, I don’t believe in love. But she makes me believe it, she is so beautiful, and desirable. And I desired her. Ang hirap Kontrolin ang sarili ko, mahirap pigilan ang emotion. “Love is not my cup of tea.”
“Stop it, Wag mo ng isipin si Isabella bulong ng isip nito.”
Hirap siya makatulog, tinalikuran nito si Isabella, Humarap na naman siya dito. “Paano kaya ito nakakatulog ng mahimbing.” anas nito Pagud na pagud siguro. Bumangon, para maligo, kailangan niya maligo,ng malamig na tubig para bumaba ang nararamdaman init.
Sumunod na araw, Nagising si Renzo, sa marahang pagkilos sa tabi niya at marahang hininga. Dahang dahang siyang nagmulat ng mga mata. He was amused what he saw. Ang tigreng si Isabella Bustamante…. Now Isabella De Ayala, tinawid nito ang bakod na nilagay kagabi, ang ulo nito nakapatung sa kanyang balikat, at ang kamay nakayakap sa akin.” Yumakap talaga siya sa akin” Tuwang tuwa siya talaga sa nakikita.
Hindi niya napigilan ang sarili di halikan sa noo ang asawa. Inamoy ang buhok nito, He had never done things like this before. Ngayon niya na realized kung bakit mga hindi nagagawa noon, ginagawa na ngayon, this woman changes his life.
“Lalong nag sumiksik si Isabella sa kanya, nun lang napansin na nilalamig ito. Inabot ang remote ng A/C para patayin ang aircon. Tiningnan nito ang oras, mag alas 8 na ng umaga. Nanibago siya, never siya nagising ng ganito oras, mostly nagigising siya ng madaling araw, do his work out before going to office. Siguro napagud lang siya sa biyahe nil ani Isabella.
Tiningnan niya ang asawa, payapang natutulog, hindi niya napigilan hinahaplos na niya ang kulay rosas nitong pisngi. Napalambot ang mapulapula nitong pisngi. Napa ngiti siya, nang bigla napasimangot ulit. Tiningnan nito ulit ang asawa.” How can someone so seem’s so innocent like this.”
Tumayo siya, sa kama at tiningnan muli si Isabella na payapang natutulog.” Kung ang Ama nito kaya ibenta ang anak para sa sarili nitong kapakanan, Sigurado ako ganun din ang anak. Hindi ko hahayaan masira ang aking buhay para lang sa pagnanasa ko sa iyo.” Ayaw kung me taong sisira ang aking buhay, ganun din sa hinaharap.” Saad nito sa sarili at tumuloy na ito sa shower para maligo.”
----------
Nagising si Isabella tumatama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Nag inat siya and open her eyes slowly, napangiti siya, nang maalaala kung nasaan siya, ang matamis niya ngiti napalitan ng simangot.” Huminga siya ng malalim, at napapikit, nagmulat siya muli ng ma rinig ang lagaslas ng tubig sa banyo.
Nag taas siya ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Nanlaki ang kanyang mata, lumabas si Renzo sa pintuan na nakatapi lang ng tuwalya. Ang sikat ng araw naglalaro sa kanyang mga binti na me tumutulo pang tubig. Isinuklay niya ang mga daliri sa basa pang buhok. Napalunok na lang si Isabella sa nasa harapan niyang tanawin.
Masyadong mababa ang pagkatali ng tuwalya sa kanyang balakang, “Paano kaya pag nalaglag” sabi ng kanyang isipan” Napapikit siyang nagyuko ng ulo, nahihiya siya sa sarili, sa kung ano ano naglalaro sa kanyang isipan.
‘Magandang umaga!’ bati nito sa namamaos na tinig.
“Uh…. Good morning!’ bati din nito sa kanya na nakayuko pa habang nilalaro ang mga daliri sa kandungan.
“Ok ka lang ba?” tanung nito sa kanya. Paramg namumula ang pisngi mo sabi nito.
Nag angat ng ulo si Isabella, at napansin nakatayo na ito sa gilid ng kama malapit sa kanya.
“Why does he look so sexy?” usal nito
“Ok lang ako”. Sagut nito sa asawa.
“Sana hindi mo na ako pinag nanasaan sa isipan mo niyan.” usal nito sa mahinahon at naaaliw na tinig.
“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo Mr. Renzo De Ayala.” Sagot nito na nag taas ng tingin at tinitigan nito si Renzo.” Dahil sa sikat ng araw kaya namumula ang pisngi ko, maging ok din ako after I take a shower paliwanag nito sa lalaki. At bumaba na ito sa kama at lumakad na patungo sa banyo, na kulang na lang takbuhin.
“What a jerk” galit nitong bulung sa saril.
Pumasok siya sa shower, sinubukang kalimutan si Renzo, gusto nito iwaksi sa isipan ang kanyang asawa.Pagkatapus maligo kinuha ang malambut na tuwalya at binalot ang katawan ng mahigpit.At dahan dahan binuksan ang pintuan ng shower, Sinuyod nito ang boong kwarto, hinahanap ang asawa kung nasa loob pa, nakahinga ng maluwag ng hindi makita ang asawa, tumakbo siya patungo sa kanyang bag.
“Bakit wala laman ang bag ko?’ nakasimangot nitong sabi. “Oh, baka nilagay sa cabinet, binuksan nito ang cabinet at Nakita dun nakasalansan ang kanyang mga damit. Nag hanap siya ng maisusuot pero wala siya talaga makita, tatlo pares lang na damit ang dala at pajama. ‘Bahala na usal nito”
Napatawa na lang siya, Pinili niya ang summer dress, Masyado itong hapit sa katawan at nakikita ang kanyang clevage, hindi na lang niya pinansin, wala siya magagawa wala siyang masyadong damit. Lahat mga damit niya ay pinag lumaan ng kanyang stepsister.
“Narinig nito ang boses ng kanyang asawa sa kabilang kwarto, Nakita niyang nakatawaw sa bintana at nakalapasok sa bulsa ang dalawa kamay. Nang maramdaman ni Renzo si Isabella natuon dito ang kanyang tingin. Niyaya na niya itong mag almusal. Umupo na sila para mag almusal,” Hindi ko alam kung ano gusto mo kainin sa breakfast kaya inorder ko na lahat ang masarap na agahan dito sa hotel.” Sabi nito kay Isabella.
“Uh…sa tingin mo mauubus natin lahat ito, subra dami pang kain para sa ating dalawa.”
“Kaya ubusin mo lahat ito.” sabi nito sa kanya.
“Ano akala mo sa akina, taong masiba.? angil nito sa asawa.
Nilagyan nito ng pagkain sa kanyang pinggan at nag umpisa ng kumain.” Napansin ni Isabella ang mahahabang daliri ni Renzo.
“Meron bang tao na kahit kumakain ay napaka gwapo pa rin?” Daig pa nito ang isang modelo.” sabi nito sa isip. Naalala niya ang half sister na si Stenie. Gusto gusto din nito maging modelo. Pag siya siguro ang pinakasalan ni Renzo, nakuha na siguro nito full ownership ng Hotel. Busy siya sa pag iisip, at dina namalayan na nilalaro na lang ang kagkain niya sa pinggan.
“Ano iniiisp mo, pati pagkain mo dimo na ginagalaw,” untag nito kay Isabella. Di alam ni Isabella na pinapanood pla siya ng asawa. ‘Wala lang.” sagot nito sa kanya.
‘Handa akong makinig kahit hindi importante.” Sabi nito.
At di namalayan ni Isabella, naibulalas na nito sa asawa ang mga katanungan sa isipan. ‘Kung si Stefanie ang pinakasalan mo nakuha mo na sana 80% ng share stocks at full control sa hotel sa loob ng maraming taon.” Bakit di mo na lang siya hinintay?”
‘Renzo De Ayala ay ang taong mahalaga ang bawat oras Isabella. Tungkol sa hotel kayang kaya kung bilhin kahit ngayon. Pero ako yung taong lahat ng bagay ay nakukuha sa malinis na paraan. At tungkol kay Stefanie, hindi ako nag tanim ng sama ng loob sa kanya, because I got you”. sagot nito habang kumakain.
‘Ang salitang ginamit nito na I got you, alam kaya nito ang ibig sabihin nun.?” Nagtataka si Isabella, dahil walang dahilan para lumukso ang kanyang puso.
“No, kailangan kung tangapin ang katutuhanan, hindi ako pwede padadala sa kanyang matatamis na salita. Me kailangan siya sa akin sigurado, at iyon ang samantalahin ko para maging kapalit ang aking Kalayaan sa kanya.” Usal ng isip niya
“Anung gusto mo gawin ko, Renzo.? Tanong nito na nadidismaya sa kanya at sa kanyang sarili. At kung ano ang papel nito sa kasal nila.
“Gusto ko lang kumilos ka na parang mapagmahal na asawa, sumama sa akin sa mga parties, and do what I say and- “
“And huwag pansinin ang mga bali-balitang famous playboy, huwag pansinin pag lumitaw ka sa mga magazine na me kasamang magandang babae, right?” nanunuya niyang sagot.
Huminto si Renzo sa pagkain at tinitigan ang kutsara sa pinggan niya ng ilang minute bago sumagot.” Yes”, yan ang gagawin mo.”
Habang pinapakingan si Isabella,na gustong controlin ang galit nito, ibinaba nito ang kutsara na tinitigan si Renzo ng nakakamatay na titig,habang nakatitig pa rin siya sa kanyang pinggan, na parang kapag mag angat siya ng paningin at tingnan si Isabella ay may kukuha sa kanyang pinggan.
‘Very well then, Well, may buhay din akong dapat pagtuunan ng pansin. “Do whatever you do, and I do what I want to do.” Pagalit nito sabi kay Renzo. Na ikinagalit ng lalake.
“Kung may Nakita kang mamahalin, your free to bring in, gayun din ako, pag me Nakita ako mamahalin ko I will invite them as well.” Patuloy ni Isabella, nang biglang nag angat ng paningin si Renzo at tinitigan siya ng galit na galit. “Huwag mung kalimutan na kasal ka pa rin sa akin, Huwag na huwag mo dudungisan ang pangalan ko.” Matigas nito sabi.
“Then, huwag mo ding kalimutan na may asawa ka na at hindi ka na Malaya.” Ayaw na ayaw niyang nakikita ang asawa sa mga cover magazine kasama ang mga modelo at mga socialite.
“Isabella, maingat ako sa mga ka relation ko, kaya huwag kang mag alala dun.” Sagot nito
“Kaya ko din yan, magiging, maingat din ako.” Huwag mo akong asahan na ganito na lang ako habang buhay sabi nito.” At tinaas pa ang kamay.” Hindi masaya ang ganitong buhay, bakit ikaw lang ang malayang at pwedeng magsaya.” Hindi na niya alam kung bakit nila ito pinag uusapan.
“Nahagip nito ang mukha ng asawa nag iba kulay at titigan ako ng nakakamatay na tingin.”I feel satisfied.” Usal nito.
“Tumayo si Renzo mula sa kanyang upuan. At lumakad patungo sa kanya, habang nakaupo at hindi makakilos. Yumuko ito habang isang kamay ay nasa lamesa, while the other held her chin. Para mag pantay ang kanilang paningin. Hindi makakilos si Isabella, she scared to death at nagsisi kung bakit pa niya nasabi ito.
‘Makinig kang, Mabuti Isabella, you are my wife, now you are mine, nobody else, you only stay around me, look at me, smile at me, and me alone!! At gagawin mo ang sinasabi ko.!! Galit nito sabi.
“Hindi mo ako alipin.” Protesta ni Isabella.
Hindi siya pinansin ni Renzo at nag patuloy ito.” ,”At pag nararamdaman mung gusto mo,at di mo na mapigilan lumapit ka lang sa akin and I promise you, I’ll give you all the satisfaction you need in bed,.After all expert ako diyan,” Bulong nito
“Bastos.’ Akma niyang sasampalin si Renzo, napigilan siya ng asawa, at tumayo na ito.
“ Maniwala ka, Isabella lahat ng mga tinuran ko sa iyo ay pawang katutuhanan, If you dared to defy me, gagawin kung impyerno ang buhay mo.Umpisahan ko ang mga magulang mo, Negosyo nila, bahay niyo, mga tauhan nila, bago sa iyo para makita mo paghihirap nila.” Sabi nito sa mapanganib na tuno, na nagpanlamig sa kanyang mga buto.
Tumayo siya para harapin siya.” Napaka walang awa mo.”Akala mo lahat ng bagay ay laro lang.”Wala na bang karapan ang bawat tao para mamili ng buhay na gusto nila.?’Do- hindi na niya natuloy ang sasabihin, hinalikan na siya ni Renzo sa kanyang mga labi, isang mapanganib na halik. The more she fights him, the more he kissed her hard, deeper and deeper.” She bit his lips, but it won’t stop him. Finally, he released her, at itinulak niya ito.
“You bastard,” I hate you” galit na galit si Isabella.
‘Kamuhian mo man ako sa tanang buhay mo, but you only have me, me alone nobody else.” Nakangiti nitong sabi habang nililinis ang dumugo niyang labi Patungo sa banyo at huminto ito hindi nilingon ang asawa sabay sabi, maghanda ka bago mag alas siyete, I will be here to pick you up. Pupunta tayo sa isang business dinner. Pag dika pa nakahanda huwag mo sabihin hindi kita binalaan. Alam mo na kahihinatnan ng dimo pag sunod. Babala nito bago umalis.
“Nakaalis na si Renzo, saka pa lamang ibinuhos ni Isabella ang sama ng loob, umiyak siya ng umiyak.” Namatay ang kanyang ina nun maliit pa lang siya, pinabayaan din siya ng kanyang ama, ang mga pag mamalupit ng kanyang madrasta. At ang pang babalewa ng kanyang half-sister, ang boyfriend niyang inaakala niyang siya tulay para, mag karoon ng masayang pamilya ipinagpalit siya sa ibang babae. At ngayon ginawa siyang Substitute bride na sana para sa kanyang half-sister. Pinilit siyang pakasal sa lalakeng ni walang pag papahalaga sa kanya. Ni walang pag mamahal sa kanya na hindi kailaman siya mamahalin.
‘Diyos ko, bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?’ Ano ang nagawa kung kasalanan at pinapahirapan mo ako ng ganito.” Daing nito hindi maampat ang kanyang mga luha.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakaupo, filled with grief, at said na ang kanyang luha. Tiningnan ang orasan, hapon na, naalala ang sinabi kanina ni Renzo na pupunta sila sa party.
Dahan dahan siyang tumayo at tinungo ang banyo para maligo at maghanda na bago pa dumatIng ang asawa. Naliligo na siya, hinayan niya bumuhos ang mali-gagam na tubig sa kanyang mukha, para mamanhid ang kanyang isipan na nasasaktan pa hangang ngayon.,
Lumabas na siya ng banyo at humarap sa malaking salamin, at tinitigan ang sarili, nakikita niya ang lungkot sa kanyang mga mata. Ikaw si Isabella, hindi mo kailangan ang Bustamante, or De Ayala. Matapang ka, at malakas. Nakaya mo labanan ang malupit na buhay noon, malalagpasan mo din ngayon. Buhay ko ito, ang karapat-dapat lamang sa kanyang pagmamahal at tiwala ang manatili sa kanyang buhay, and the rest of them can go to hell. Pang aalo nito sa sarili.
Tinungo nito ang cabinet para mag hanap ng maisosoot. Nag lagay ng kunting make up, eyeliner, and dark lipstick for her lips. Then she turns to her dress she choice.
‘Renzo De Ayala, hindi ako natatakot sa mga panakot mo, buhay ko ito, I will fight for my freedom,” Nakangiting nakatingin sa sarili sa salamin.
Nagulat siya sa Nakita sa salamin, hindi na siya ang Isabella ng mga nakalipas na taon, ang isabellang alam niya ay simple, walang bahid na make-up sa mukha. Walang pakialam sa kulay ng balat, walang pakialam kung ano itsura meron siya.
Ngayon iba ang kanyang nakikita, isang Isabella na nakadamit ng mamahaling gown with high thigh slit.Nakalugay ang mahabang buhok, mga matang nag aanyaya ng isang libo’t isang kaligayahan, plus those curves na hapit na hapit sa gown na soot.Ang Isabella ngayon ay isang mapang akit at kahali halinang tingnan which definitely not her.
“Dahil sa galit napilitan siyang isoot ang damit ni Stefanie at mag ayos na gaya nito. Ngayon nag dadalawang isip siya kung mag palit ng iba damit.
“Magpalit ako ng damit” sabi nito sa sarili habang nakatingin sa salamin.
“No need, you look fabulous” Sabi ng lalaking nasa doorway………...