Andrea Samonte "We're almost there, Angel. Calm down, please?" hinging pakiusap ni Isaiah habang nagmamaneho. Alas-otso ng maaga ay nag-text sa amin si Allen na nanganak na si Kim kaya naman agad kong hinila ang pupungas-pungas pang si Isaiah para bisitahin si Kim at ang baby niya. Dahil sa sobrang pananabik ay hakis tumalon na ako mula sa kinauupuan ko. Mahilig kasi talaga ako sa mga bata lalo na sa mga baby. "Excited lang kasi akong makita ang baby ni Kim, tingin mo? Girl kaya o boy? Mas pinili kasi nilang hindi sabihin sa atin para surprise pero feeling ko babae." "Let's make a bet, kapag lalaki, you will kiss my cheek at kapag babae naman, I will grant you one wish." nakangiting sabi niya sa akin habang pasulyap-sulyap. "Sige." agad naman akong pumayag dahil wala namang masama

