Chapter 18 Andrea Samonte Pinilit kong ignorahin ang nagbubulungang tao sa paligid namin. Ang iba ay puro panghuhusga sa akin at sa pamilya ko ang sinasabi. Pilit ko na lang nginingitian si Nanay at Rayane. Si Nanay ay alam kong naririnig rin niya ang bulungan pero para sa akin ay nagpapanggap na lang siyang walang naririnig. Nakita kong papalapit ang Mommy ni Isaiah sa table namin kaya naman umayos ako ng upo. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong harapin siya pero sabi naman ni Isaiah ay mabait ang Ina niya kaya nagtitiwala ako. "Are you enjoying the party?" nakangiti niyang tanong nang makalapit sa mesa namin. "Ah, eh. Oho. Maraming salamat po." pinilit kong ngumiti kahit na kinakabahan at sana ay hindi ito nagmukhang ngiwi. Bumaling siya kay Nanay. "May mga natirang ulam. Baka

