Chapter 10

1545 Words
Aurelia Maagang nakarating ng apartment namin si Logan kinabukasan. He asked permission to my parents before he take me to the wedding planner. Namangha ako sa pinasukan naming gown shop. Para akong nanliit sa sarili ko at nasabing hindi ako nababagay rito. Ang iba't ibang klasi ng mamahalin na weeding gown ay narito lahat. Gusto kong bumitaw kanina sa mahigpit na palad ni Logan na nakahawak sa akin pero parang ayaw ko na ngayon. Siguro ay natakot ako sa presyo ng masilip ko iyon. Hindi ito peso kung hindi dolyar. Simple lang naman ang gusto ko. Kahit na nga hindi na kami magsuot nito o magpakasal sa reception ay ayos lang sa akin basta maikasal lang kami. Pinuri ko sa isip ang magagandang desinyo ng gown pero munura ko naman ang presyo. Nakakaluka naman. Kasing mahal lang ng nererentahan naming apartment ng mga magulang ko. Napailing ako. "Are you okay?" Bulong niya sa tainga ko. He leaned on me closer and asked again if I was okay. Tipid ko siyang nginitian. "Okay lang ako," I simply replied. Nilapitan kami ng saleslady. Nakasuot ito ng full black suit. Nginitian niya kami. "Hi Sir. Ma'am. Welcome." Paunlak niya sa amin. Tinanggal ni Logan ang shades niya at hinarap ang babae. "Mrs Molen is here?" tanong nito sa mababang boses. Ngumiti ulit ang babae. "She's coming sir in 5 minutes," sagot nito. Tumango si Logan. Inaya muna kami ng saleslady na umupo sa waiting area. Relaxing ang lugar na ito. Mas maganda yata magbasa ng libro rito kasama si Brill. Lihim kong sinusulyapan si Logan sa aking tabi habang nakasandal ito sa sofa. Para bang bahay niya ito at relax na relax siya. Hindi nagtagal ay dumating si Mrs Molen. Nakangiti siyang lumapit sa amin at nakipagkamay kay Logan. "Mr. Treveno. Welcome." Nakangiti niyang bati. Lumipat ang mga mata niya sa akin at alanganin ang mga ngiti ng mapagmasdan ako. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero hindi naman pang-iinsulto ang paninitig niya sa akin. Tumikhim si Logan. "She's my bride to be, Aurelia." Pormal akong ipinakilala ni Logan sa kaniya. Nahihiya akong ngumiti kay Mrs Molen. Inilahad ko ang palad kahit na nanginginig ng kaunti. "Hello." She smiled. "Hi. Nice meeting you, Iha." Binalingan niya si Logan. "I'm so sorry. I'm interrupted of her age," pabulong nitong sabi. Logan smirked and take a glance to me. "She's eighteen, not a minnor anymore." Nagliyab sa apoy ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya pagkatapos iyon sabihin ni Logan. Mahina pa akong napasinghap ng hapitin niya ako sa baywang at nilapit sa kaniya. For god sake Logan! Stop making me nervous. Mahinang tumawa ang ginang. "Congratulations to both of you. Okay, let's started." Aya niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa mga dresses. Sa tulong ng mga iba pang saleslady ay nahanapan nila ako ng magandang desinyo na sakto sa liit ko. Hindi na kasi kami puwedeng magpatahi dahil matatagalan. It seems that Mama Laila already organised the reception for the wedding. Napili ko ang silver gown. Mahaba ang manggas pero V-shape sa likod. Napakaganda. Namangha pa ako ng ipasukat nila iyon sa akin. Noong una ay hindi nagustuhan ni Logan dahil sa V-shape niya sa likod pero nakombinsi naman ito ni Mrs Molen kaya napapayag. Nag-suggested na rin si Mrs Molen na kailangan ayusin ang buhok ko sa araw ng kasal ko at maglagay ng bulaklak na headband. Tanging ngiti lang at tango ang naisasagot ko sa kaniya dahil binabalot ako ng kaba. Nang mapagmasdan ko na rin ang future groom ko na nakasuot ng shiny black tuxedo ay parang tumigil ang mondo ko. He's so dashingly handsome in my eyes. Hindi ko alam kung sakit ba itong nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya pero patay na patay ako sa kaniya. Siya lang ang naiisip ko at nakikita. Kung ginayuma man ako ni Logan ay tumalab ito. Nilapitan niya ako. Saka pa ako nagbaba ng tingin ng ngisihan niya ako. Tulala na pa ako at hindi ko namamalayan. "How's my look?" tanong niya. Lumunok ako ng isang beses bago ko siya tiningala upang sagutin. "Perfect..." Naging daing na lang ang akong sagot. Yumuko ako at pumikit. Nakakahiya dahil huling huli niya ako. "Tiningnan mo ako?" utos niya. Huminga ako ng malalim at muli siyang sinulyapan. Nang magtama ang mga mata namin ay para naman akong nakulong sa ulap sa kaniyang mga mata ay ayaw ko ng bumaba mula sa paninitig sa kaniya. "Sabihin mo ang totoo, Aurelia?" Naging seryoso siya at titig na titig sa akin. Parang humiwalay sa akin ang aking kaluluwa sa tanong ni Logan. Ano bang katotohanan ang gusto niyang malaman? Naguguluhan ako. Natatakot ako. Nilikod ko ang mga kamay at pinagkukurot ang daliri. Nang ibuka ko ang mga labi upang sumagot ay bigla niya akong niyuko at kinuyumos ng halik. Namimilog ang aking mga mata ng lumapat ang labi niya sa akin. Naiwan sa ere ang magkabila kong kamay dahil hindi ko na maigalaw. Malaya niyang inangkin ang mga labi ko dahil bukas na bukas ito. Nang igalaw niya ang labi niya ay doon pa ako napapikit at nakapag-isip ng matino. Tinulak ko siya sa dibdib at kaagad na nilayo ang mukha ko sa kaniya. It was my first kiss. He was my first kiss. Sa isang parte ng puso ko ay labis akong natuwa. "A bit aggressive!" Sabay kaming napalingon ni Logan ng may magsalita. Kumunot ang noo ko ng makita sina Uncle Creek at Liliana. Bakit ba kung nasaan kami ay palaging nagka-cross ang mga landas naming apat. Hinawakan ako sa kamay ni Logan at mahigpit na pinagsiklop ang mga daliri namin. "Uncle." Pamimula ni Logan. Nag-excuse rin sina Mrs Molen sa amin. "Uhm. Narito kami para maghanap rin ng maisusuot para sa nalalapit niyong kasal." Ngumiti siya sa amin. Lumipat ang mga mata sa akin ni Uncle Creek at pinagmasdan ako saglit. "Simplicity is beauty. You're beautiful, Iha." Puri niya sa akin. I smiled. Nang sulyapan ko si Liliana ay matalim itong nakatingin sa akin. Ang kapal ng mukhang matitigan ako habang kahalikan niya noong isang araw ang magiging asawa ko. Hindi ko na alam saan pa ito humuhugot ng kapal ng pagmumukha. Dumikit pa ako kay Logan habang nakatingin sa amin si Liliana. Naging tahimik na rin si Logan at hindi na ito nagsasalita. Guilty? Guilty siguro dahil kaharap ang kalaguyo niya. "Excuse us, Uncle. We're done and about to go." Nilingon niya ako. Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Nilampasan namin sila at kani-kaniyang pumasok sa fitting room. Paglabas ko ng fitting room ay nakaabang na sa akin si Logan. Para siyang hindi makahinga at nasasakal na sa loob nitong shop. Hinila niya ako. Kinausap saglit si Mrs Molen at pina-reserved ang sinukat namin kanina. We left the shop without saying goodbye to Uncle Creek and Liliana. Kinabukasan ay iniisip ko pa rin si Logan dahil sa nangyari kahapon. Kahit hindi niya pinahalata na nadismaya ay nahulaan ko iyon. Dumating na rin sa bahay namin ang ilang pirasong invitation cards. Wala rito sa Maynila ang kamag-anak nila Mama at Papa kaya mga kakilala lang nila at malalapit na kaibigan ang iimbetahin. Bukod kay Brill ay wala na rin akong inimbetahan pang iba. Hindi ko lang alam sa pamilya nina Logan kung marami ba sila. Sa wakas ay ikakasal na rin kami. Ikakasal na kami bukas na siyang nagdadagdag ng nerbiyoso ko ngayon. Marami akong iniisip sa aking sarili. Baka madapa ako habang naglalakad o baka himatayin ako kapag nakaharap ang maraming taong dadalo. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binitiwan ko ang huling invitation cards na hawak ko para kay Brill. Itinabi ko iyon dahil dadaanan raw niya ito mamaya pagkatapos niya sa partime niya. "Ang lungkot yata ng araw mo?" Muntik na akong mapatayo sa gulat ng magsalita si Ate sa likod ko. Bigla akong lumingon sa kaniya. Hawak ko ang tapat ng dibdib at nagtaas baba ito. "Ate!" sambit ko. Pumikit ako saglit bago siya hinarap. Nakangiti si Ate at tila ang saya saya. Napaisip ako. Solve na yata ni Papa ang pambayad niya ng board exam. "Kinakabahan kaba Au?" tanong niya. Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay. Tumango ako sa kaniya. "Sobra sobra Ate. Nanginginig na ako sa takot." Ngumiti siya at binulungan ako. "Kapag ganiyan ka, baka himatayin ka sa unang gabi ninyo." She giggled. Ngumuso ako sa kaniya at pinaliitan ko siya ng mga mata. "Ate!" asik ko. Muli siyang tumawa. "Kidding, ano kaba?" Inakbayan niya ako. Nagtataka ako sa kinikilos niya ngayon. Hindi masungit at laging nakangiti. Binalingan ko siya. Tumaas ang kilay niya sa akin at hinintay ako kung magsasalita. "Masaya ka ngayon." Bulong ko. She smiled. Magkasunod-sunod na tumango. Hinaplos ang buhok ko at matamis akong nginitian. "Makakapag-exam na ako!" Bulalas niya. Nakikita ko kay Ate kung gaano ito ka-determinado. Walang wala ako sa kaniya na masyadong pinaikot ang sarili sa lalaki. Mas matimbang si Logan sa akin kaysa pag-aaral ko. How sad naman itong buhay ko kung sakali. "Talaga! Congrats! Sabi ko sa'yo eh, solved ni Papa ang ganiyang mga problema." Napangiti na rin ako at masaya para sa ate ko. Binulungan niya ako. Nagulat ako mula sa narinig kay Ate lalo ng malaman ang pangalan ng taong tumulong sa amin. "Uncle Creek..." I whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD