Chapter 15 “Sigurado ka ba sa gagawin mo, Al? Hindi ba ata parang sobra naman iyong pagpapakidnap?” tanong ni Ulysses sa kanya. Wala sila sa office ngayon dahil may kinakailangan siya asikasuhin at isinama niya roon si Ulysses dahil kailangan niya ng bodyguard na mapapagkatiwalaan. Pero para lang makasigurado ay isinama niya na rin si Zevron na kanina pa tahimik at nakamatyag lang sa buong paligid. Nasa mall sila ngayon at kasalukuyang papunta sa department store para bumili ng maliit na birthday gift para sa kanyang lolo. Ambrose Jacob Samaniego finally reached the seventies of his life. At bilang selebrasyon ay may party sa susunod na linggo na idadaos sa mismong mansion ng mga Samaniego. Ayaw naman niya sana umattend but Trystan is kept on pestering him non-stop that he doesn’t ha

