Chapter 41.1 “Anong nangyari sa’yo, Will? Bakit parang puyat na puyat ka?” tanong ni Sir Justine sa akin. Inilapag niya ang folder sa lamesa ko na kailangan ko ipapirma kay Sir Alaric later on. At ang tungkol naman sa kanyang tanong ay malabo ko rin masagot dahil alangana naman sabihin ko na natulog ako sa bahay ng boss ko at sa iisang kama kami natulog. Kahit na sabihin kong lalaki ako ay alam naman ni Sir Justine ang totoo. Na hindi ako lalaki at kundi isang babae. Tiyak na may malisya ang iisipin niya kaagad kapag sinabi ko ‘yon at isa pa, ayoko rin naman gawing big deal. Trabaho lang naman talaga ang ipinunta ko sa bahay ni sir at ang dahilan ng pagtulog ko. Ayon kay sir, wala ng nabyahe sa hating gabi kaya wala akong nagawa kundi ang matulog at nagkataon din na nasira ang aircon ni

