Epilogue

1391 Words
EPILOGUE INILIBOT NI Michelle ang kanyang paningin sa kinaroroonan niya. May mga halamang namumulaklak. Bulaklak na iba’t-iba ang kulay. There were butterflies, too. Maririkit na paru-parong humahalik sa mga bulaklak.             Nakaupo siya sa isang blanket, sa harap niya ay naroon ang isang lapida. Six feet under the ground lies someone who is so dear to her heart. Michelle took a deep breath, filled her lungs with the sweet, calming breeze. Pagkuwa’y itinaas niya ang palad at pinagmasdan ang singsing na umaadorno sa kanyang palasinsingan. Umihip ang hangin, inilipad niyon ang kanyang buhok at humarang sa kanyang pisngi. Hindi nag-abala si Michelle na tipunin ang kanyang buhok, sa halip ay pumikit siya at binalikan ang mga alaala. Mga alaalang maingat na nakaimbak sa kanyang puso. Mga alaalang ano mang sandali ay maaari niyang balikan at sariwain. “Mommy!” Sabi ng humahagikhik na matinis na tinig ng isang bata. Sabay yakap sa kanya. Binuksan ni Michelle ang mga mata at pinawi ang mga luhang dulot ng pag-alala niya sa nakalipas. “Sweetheart,” aniya sa batang babae. Ibinuka niya ang mga bisig at ipinaloob roon ang kanyang anak, ang kanyang anghel na si Olivia Marcela, ipinangalan niya mula sa kanyang tiya at sa mommy ni Oliver. The little girl is six years old now. “Mommy,” anang bata, sinulyapan ang lapida sa kanilang harapan.  Lumuhod ito at umusal ng panalangin. Pagkatapos ay marahang hinaplos-haplos ang lapida, may ngiti sa labi. “Tell me the story about daddy, Mommy.” Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Again?” she asked gently. Hinaplos niya ang ulo ng bata bago dinampian iyon ng halik. She wanted to hear the story again, nakangiti niyang usal sa lapida. “Yes, mommy,” excited na wika nito. Naupo sa kanyang harapan. “I wanna hear the story over and over again. I won’t get tired hearing it. And I hope, mommy… no I will pray for it, I will pray to God that you won’t get tired of telling the story,” bibong sabi nito. “Sige na po, Mommy…” Huminga ng malalim si Michelle. Sinalat niya ang singsing na nasa kanyang daliri. “Sige. Once upon a time, in a big big palace, there lives a little…” devil? tanong ng isip niya. Iyon ang salita na ginamit niya noon sa paged-describe kay Oliver pero hindi iyon appropriate sa pandinig ng isang bata. “…prince. The little prince was handsome…” “Super handsome,” komento ng tinig mula sa kanilang likuran. Pumitlag ang puso ni Michelle. “Daddy!” hiyaw ni Olivia Marcela. Tiningala ni Michelle ang lalaki sa kanilang likuran, si Oliver. Nakangiti si Oliver, kinindatan siya. Michelle returned the smile. Sigurado siyang sumusungaw rin sa mga mata niya ang emosyong naroon at nakasungaw sa mga mata ni Oliver. Ang emosyon ng pagmamahal. Yumuko si Oliver, hinagkan ang ulo niya at ng bata bago ito naupo rin sa blanket. Ipinatong nito sa gilid ang basket na kinalalagyan ng pagkain nila. “Hello, Mom,” ani ni Oliver sa puntod ng ina. Kinabig siya ng asawa, pinasandig sa dibdib nito. Tiningala niya ito. Bumaba ang mukha ni Ollie at hinagkan ang kanyang labi. “Bakit hindi agad kayo nakasunod sa akin?” nagtatakang tanong niya. Sabay-sabay silang pumunta sa memorial garden na kinahihimlayan ng kanyang biyanan pero nang makapag-park, sabi ni Olivia Marcela ay mauna na daw siya at susunod na lang sila ng daddy nito. Oliver chuckled. “Dahil may isang bata riyan na nagpakuwento muna ng tungkol sa prinsesang naligaw sa isang palasyo.” Tumaas ang sulok ng labi niya. Humagikhik naman ang bata. “’Cause I like hearing your story, Mommy, Daddy. And I think, Lola Olivia would like to hear it too over and over again. Right, Lola?” Nagtinginan sila ni Oliver, nangngingitian. Seven years had passed since that very fateful day. Selective amnesia ang naranasan ni Oliver. Nalimutan nito ang lahat ng tungkol sa kanya. Pero sadyang maigting ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa. Sadyang masidhi ang pag-ibig sa kanya ni Oliver dahil kahit nalimutan siya ng isip nito ay hindi naman siya kinalimutan ng puso nito. Pinagtiwalaan siya ng binata, sinandalan ang t***k ng puso nito. Araw-araw siya noong nasa hospital, nakikipag-usap kay Oliver ng tungkol sa kahit na anong bagay. Ipinakilala niya ang sarili bilang malapit na kaibigan, at hindi bilang babaeng nagmamay-ari ng puso nito. Unti-unti ay sumisigla ang katawan ng binata. Nagkakaroon ng laman ang dating humpak na pisngi at yayat na katawan. “…Kahit hindi niya maalala ang babae, natutunan niya uli itong mahalin.” Anang tinig ni Oliver na nagpabalik sa naglalakbay na isipan ni Michelle. Ito na pala ang nagkukuwento sa bata. Nag-ugnay ang mga mata nila, nag-usap sa lengguwaheng sila lamang ang nakakaintindi. Ollie kissed her head. Mas hinigpitan din nito ang yakap sa kanya. “…Gusto ng prinsipe na laging nasa hospital ang babae, inaalagaan siya, kinukuwentuhan, pinapakain. Gusto ng prinsipe na makita ang maganda niyang mukha, marinig ang mga tawang kumikiliti sa kanyang puso…” Si Olivia Marcela na hook na hook sa pakikinig na animo iyon ang unang beses nitong marinig ang kuwento ay nangalumbaba pa. “The prince fell in love with that girl. Kahit hindi niya alam na ang babae naman talaga ang prinsesa,” sambot ng bata, sa tinig na animo nagkukuwento talaga ng isang fairy tale. Kunsabay, matured talaga ang bata kesa sa edad nito. “That’s right,” tumatangong sang-ayon ni Oliver. Si Michelle ay napapangiti na lang sa mag-ama. “The prince get well. Hindi na nakakatakot ang hitsura niya… Hindi na siya parang skeleton. Bumalik na ang kanyang kakisigan… He was the handsomest of them all.” “Totoo po, Mommy?” tanong ng bata. “Was daddy the handsomest of them all?” Natawa si Michelle. Nang batuhin niya ng tingin ang asawa ay tinaasan naman siya ng kilay ni Oliver na para bang binabantaan siya na huwag siyang magkakamali ng isasagot. “Yes, he was. And he still is,” tugon niya na sa asawa nakatingin. Lumawak ang ngiti ni Ollie. “Then one day, sumakit ang ulo ng prinsipe. Ang lahat ay nataranta, natakot, at nangamba para sa prinsipe. ‘Aah! Aah!’ hiyaw ng prinsipe. Para daw binibiyak ang ulo niya sa sakit. It turned out na kaya ganoon ay dahil ibinabalik na pala ng Bathala ang mga alaalang nawawala sa isip ng prinsipe.” “Nalaman na ng prinsipe na ang babae ay ang prinsesa?” excited the tanong ng bata. Na para bang hindi talaga nito alam ang kuwento. Ollie held her hand. He whispered I love you at her ear. Na siyempre pa ay sinagot niya at inusal din ang mga salita. Naalala siya ni Oliver pero hindi bumalik sa isip nito ang tungkol sa Heaven’s Garden. “Ganoon na nga. Sobrang saya ng prinsipe. Ang babae pala at ang prinsesa ay iisa. The prince who loves her so much, asked her to marry him. And she said, ‘yes, yes, yes!’ while crying.” Nagpakasal sila ni Oliver. Isang seremonyas na punong-puno ng emosyon at bumabaha ang luha. Sino ba naman ang hindi maiiyak kung habang marahang nilalakad niya ang aisle, habang nasa dulo si Ollie at hinihintay siya, at magkaugnay ang mga mata nila ay bumabalik sa isipan nila ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Sa unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay ikinuwento niya rito ang tungkol sa Heaven’s Garden. Ollie was astonished. But he believed in the end. Pagkatapos ay biniyayaan agad ng isang anak. Noong nakaraang taon ay sumakabilang-buhay si Tita Olivia. Ah! Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging kuwento ng buhay nila ni Ollie. Nanatili silang nagpapasalamat sa Kanya sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanila. Milagro iyon. She read books and searched the web at natuklasan niya na marami na rin palang naitalang kaso ng tungkol sa mga kaluluwang namamasyal pero bumabalik din sa katawan. Their faith became stronger since then. Ah! Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig. Lalo na kung masidhi iyon, malinis, puro. Tulad ng sa kanila ni Ollie. “And they live happily ever after…” sabay-sabay nilang wika. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD