Halos dalawang oras din niyang binusisi ang mga papers at itinigil na lamang niya ang ginagawa nang maramdaman n'ya na ang pagbigat ng talukap ng mga mata,tanda na napapagod na ang mga mata n'ya sa kababasa sa mga proposals na kailangan ng approval n'ya.
Halos,isang buwan pa lamang mula nang nakabalik si Raffa sa Pilipinas,ngunit stress agad ang sumalubong sa kan'ya.Magmula nang nakabalik s'ya rito sa kanila.Ang pilit na tinatakasan n'yang stalker tila sumunod pa sa kan'ya pabalik dito.
Hawak ang ballpen ay nakatulala siyang tinitigan ang picture frame sa dating opising ng mommy n'ya,na sa kan'ya na nga ibinigay ng dad n'ya dahil pinalitan n'ya ang puwesto ng yumao niyang ina s kompanya nila.
Sa totoo lang halos hindi rin n'ya nakasama ang mommy n'ya habang lumalaki s'ya.Malayo ang loob n'ya rito at maging sa daddy n'ya.She managed to lived her life away from everyone.Sobrang
Lonesome n'ya nga raw noon habang lumalaki s'ya.Malapit s'ya sa personal nunny n'ya,si Manang Florie dahil ito ang halos tumayong ina n'ya dahil busy ang kan'yang mga magulang sa negosyo.
Hindi n'ya namamalayang sa pagtulala n'ya ay unti-unti ay nilalamon na ang diwa n'ya ng antok.Nakatulog s'ya habang naka salong-babà.Dala na rin siguro ng puyat dahil sa nangyari noong nagdaang gabi.
Suade:
Sa sulok ng mga mata ni Suade ay kitang-kita n'ya ang gandang matagal na niyang pinangarap na matitigan nang malapitan at malayang pagmasdan ang kabuuan nito.Mula noon Hanggang ngayon ay wala pa rin itong pinagbago.Ito pa rin ang dalagang matalino,maganda,suplada at antukin na nakilala n'ya.
Halos lahat nga nang galaw nito noon ay napag-aralan na n'ya.Humugot s'ya ng malalim na hininga dahil nandoon na naman ang pakiramdam na nais n'ya itong lapitan at masdan ito sa malapitan.
Ayaw niyang magduda ito sa pagkatao n'ya lalo na at ngayon lamang s'ya humarap dito bilang siya, ang totoong pagkatao n'ya.May Ilan lamang siyang binago sa katauhan niya ngunit sa ngayon ay hindi na mahalaga iyon.Ang mahalaga ngayon ay nakalapit na s'ya sa dalaga dahil sawang-sawa na s'ya sa katatago.
Isang malamig na bagay ang dumampi sa pisnge ni Raffa,sanhi upang maalimpungatan s'ya mula sa pagkaka idlip.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata,at gayon na lamang ang pagkagulat n'ya dahil may nakatayo sa harap n'ya at may hawak itong paborito n'yang Frappuccino.
Pabigla tuloy siyang napaayos ng upo at sinuklay ng daliri ang magulo niyang buhok.Nakita n'ya si Suade na isang dangkal lamang ang layo mula sa kan'ya,kung kailan pa ito sa ganoong posisyon ay hindi na n'ya alam.Namula ang mga pisnge n'ya sa isiping kanina pa ito roon at pinagmamasdan s'ya.
"Ano ka 'ba naman,palagi mo akong ginugulat.Ano 'yan?"inosente niyang tanong kahit na alam naman niya kung ano iyon.
"As you see,I thought you need this para hindi ka antukin kasi nakakahiya naman at lunes na lunes ay natutulog ka,"
Kumindat pa ito sa kan'ya at nang hindi n'ya agad inabot ang hawak nito ay inilapag na lamang nito iyon sa lamesa n'ya at walang paalam na lumabas ng opisina n'ya.Tinitigan n'ya ang binili nito sa kan'ya,
Frappuccino flavor.Paano nito nalaman ang gusto n'ya?Parang isang ideya ang gustong sumiksik sa sulok ng utak n'ya ngunit agad din niya iyong isinawata sa isip n'ya.
Hindi naman siguro.Isa pa,sa hitsura nito malabo naman sigurong ito ang stalker n'ya.Sobrang kisig kaya nito kaya kung magka ganoon man,sa tingin n'ya ay wala na silang dapat pang pag-usapan.Lihim siyang napatawa sa naisip.Dinampot n'ya ang inilapag nito at ininom iyon.
"Sweet naman pala,"
kinikilig niyang bulong ngunit nang mapagawi ang paningin n'ya ay nakita na naman n'ya itong nakatingin sa kan'ya.Seryoso ito na tila may iniisip.Malakas na kumabog ang dibdib n'ya.Sa totoo lang,ang lakas ng dating nito sa kan'ya.Crush na nga niya ito.Kaya lang 'pag nagsasalita na ito ay nagsisimula naman na uminit ang ulo n'ya.
Naging smooth naman ang takbo ng bawat oras at sumapit na nga ang alas-singko ng hapon at uwian na rin sa wakas.Nangawit ang pang-upo n'ya sa tagal niyang nakaupo.Mas okay pa noon 'yong artist pa lamang s'ya,wala pang oras na nakaupo s'ya tapos na ang work n'ya.Medyo matagal na rin mula nang huli s'yang tumanggap ng kliyente.Iilan lang kasi ang nakakaalam na may talent s'ya sa fine arts dito sa Pilipinas.
"Gano'n lang,ang petiks naman pala ng work mo,"naka-dekuwatro itong nakaupo at nakapamulsa ang isa nitong kamay.
Bumuga muna s'ya nang hininga bago sumagot.
"Ikaw rin naman eh,kita mo binabantayan mo lang nga ako,"ismid n'ya.
Saglit siyang napaisip dahil kung lalabas na siya ng opisina,malamang sa unit na naman sila mapapag-isa at magkaka-inisan lang silang dalawa ng isang 'to.Ano kaya kung takasan n'ya muna ito?Napangiti s'ya sa naisip na ideya.
"Sandali lang,magre-retouch lang ako buhayin mo na 'yong makina ng kotse I'll follow you there,"utos n'ya rito.
Walang ekspresyon ang mukha nito at nakatitig lamang sa kan'ya.Ewan 'ba magmula nang nakita n'ya ito kagabi sa unit n'ya ay tila ang hirap arukin ang laman ng isipan nito.She just can't wait to see him how he will react sa gagawin niyang kalokohan dito.Napangiti s'ya sa naisip.
"Hihintayin na lang kita, gano'n din naman 'yon,"ismid nito.
Aba't marunong sumagot ang loko.Saglit siyang nag-isip kung paano ito malulusutan.
"Paki bili na lang ako sa labas please ng snacks,"tukoy n'ya sa katabing resto ng building nila.
"You know what?Bulok na ang mga ganiyang style mo Raffs,"
Nagulat s'ya dahil alam nito ang palayaw n'ya.As if matagal na s'ya nitong tinatawag sa gano'n.Naningkit ang mga mata n'ya ngunit saglit lamang iyon.
"What did you just say?"lumapit s'ya rito at tumayo sa harap nito.Umiwas lamang ito ng tingin.
"You heard me right.Ayoko ng paulit- ulit Ma'am,let's go,"anito at kinuha na sa kamay n'ya ang shoulder bag n'ya.Iniiwas n'ya iyon ngunit ginamitan lamang s'ya nito ng killer smile nito.
"Okay,"aniya.
Ewan bakit tila nawala ang sungay n'ya sa Isang 'to?She is not like this before.She can't believe her eyes.Napapasunod na 'ba s'ya nito?
Sumulyap lamang ito sa kan'ya nang binuksan n'ya ang back door ng kotse n'ya.Ininguso nito ang katabi ng driver's seat.Tumaas lamang ang kilay n'ya rito.
"Hindi mo ako driver, bodyguard mo ako.So please seat here beside me okay?"salubong angga kilay na sambit nito.
"Puwede 'ba bawas-bawasan mo nga ang kasungitan mo?Parang ikaw ang amo ko eh,"
Hindi na ito sumagot 'pa kaya naman tahimik na siyang umupo sa tabi nito.Ang loko,hindi man lang s'ya pinagbuksan ng pinto.Himutok ng isipan n'ya.Nabawasan lamang ang inis n'ya nang maamoy n'ya ulit ang nakakaakit nitong amoy.Ang bango-bango nito!