Trinity's POV: Nag-aalala akong inilibot sa paligid ang paningin ng makapasok sa bar. Hinahanap si Mazer. May nakapagsabi kasi sa akin na nandito daw sya ngayon at naglalasing. Kahit hindi ko tanongin ay alam ko kung bakit. But I don't care. Makasarili na kung makasarili basta mapasaakin lang sya. Wala naman akong ibang hinihiling kundi sya lang. Kaya lahat ay gagawin ko para lang makuha sya. Kahit na ang magsinungaling. Nagustohan ko talaga si Mazer ng una kaming magkita. Yong araw na may humahabol sa kanya. Akala ko nga ay hahalikan nya ako nong time na yon pero ginamit nya lang pala ako para takasan ang mga humahabol sa kanya. Mas nahulog naman ako sa kanya ng tuloyan ko na syang makilala. Nasabi ko pa nga sa sarili ko na destiny talaga kami dahil magkaklasi pa kami. Masaya sya kasa

