Kellis's POV: Lumapit sa akin ang ibang lalaki saka inihampas sa akin ang mga hawak nitong baseball bat. Dahil sa mas mabilis ako sa kanila ay agad akong nakaiwas. Hinawakan ko ang kamay ng isa sa mga lalaki saka sinipa ang siko nito dahilan para marinig ko ang tunog ng nabali nitong buto. Agad akong umikot sa likod nito saka sinipa ang katabi nito sa sikmura. Napaatras ako ng akmang sasaksakin sana ako ng isa pang lalaki. Patuloy lang ako sa pag-atras habang ito naman ay patuloy na inaamba sa akin ang hawak nitong balisong. Napatinag ako ng may biglang humawak sa magkabila kong braso. "Huli ka." Napatingin ako sa lalaking may hawak ng balisong na nasa harap ko na. "Pinahirapan mo pa ako ha." Ngumisi ito. "Tingnan natin kung makakaiwas ka pa ngayon." Binigyan ko sya ng nang-aasar na ng

