"Kellis?" Napatingin si Kellis sa mommy nya. "Ayos ka lang ba?" Hindi kasi maipinta ang mukha ni Kellis. Napabuntong hininga ito. "Nothing, mom." "What do you mean nothing? Wala ba ang mukhang 'yan?" Napabuntong hininga na naman ito. "See? Ang lalim pa ng mga buntong hininga mo." Umupo sya sa kaharap nitong upuan saka hinawakan ang kamay nya. "Tell me, what's the problem?" Napanguso sya, hindi sya hilig sa mga ganitong ekspresyon pero nagagawa na nya simula ng makilala nya si Mazer. Talagang nahawa na sya. "Si Mazer kasi, mom." "What about him?" "Ilang linggo ng hindi nagpaparamdam. Nakakainis." Nagdadabog nyang sabi. "Bakit hindi mo tawagan?" "I tried, mom but he didn't answer it." "Ilang beses mo bang tinawagan?" "Once." Gustong batukan ni Allison ang anak sa naging sagot nito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


