Kellis's POV: Nakaupo kami sa isang bench ni Mazer. Nagbabasa ako habang sya naman ay may sinusulat para daw sa isang subject nya. Ganito kami kapag pareho kaming may free time. Minsan ay sa library kami tumatambay o kaya sa tambayan namin. Natutuwa ako dahil ganito kami kapag pareho kaming may free time sa school. Nakikipag-date lang sya kapag weekends. Pero sa tingin ko ay mababago na ang schedule nya. Hindi ko alam kung kailan magsisimula ang pagmo-model nya. Hindi pa din kasi namin napag-uusapan 'yon dahil naging busy kami sa pag-aaral. Malapit na kasi ang midterm kaya pareho kaming tutok sa pag-aaral, lalo na si Mazer. Gusto nyang tutok parin sya sa pag-aaral kahit na nagmo-model sya. He don't want his father to be disappointed at proud ako sa kanya dahil napagsasabay nya 'yon. "H

