"Ano?! Bakit niya pinas4b0g?!" Gulat na tanong ni Thisa.
Mabilis niyang itinago ang hawak niyang bar*l sa kaniyang likuran para hindi matakot si Dodong.
"Hindi ko rin alam, Madam! Basta nakita ko na lang siya na may buhat na basurahan patungo sa bahay ng mga aso, at sa loob nga ng bahay ni Trump niya nilagay ang basurahan, saka niya hinila palayo si Trump at tinali sa puno ng malaking halaman sa likod. Tapos tinawag niya ako na alisin ang gasul sa pagkakakabit. At nang maalis ko po ay basta na lang niyang binuhat ang malaking tangk3 ng gasul at ipinasok sa loob ng bahay ni Trump. Binuksan muna niya 'yong gasul, bago niya sinara ang pinto. Tapos tumakbo siya nang mabilis at nagtago sa may malaking puno. E, nagtago na rin ako kasi nakita kong umuusok na ang bahay ni Trump, at ayon na nga po. Biglang sumab*g. Wasak ang bahay ni Trump! Ang itim pa ng usok." Kuwento ni Dodong.
Kahit nanginginig ito sa takot ay nakuha pa rin niyang isalaysay ang kaniyang nakita.
"Kararating pa lang n'yang anak mo, Thisa, pero gulo na agad ang dala rito! Pati si Trump na nananahimik sa likod ay dinamay niya. Hindi na naawa kay Trump! Ginawa niyang homeless 'yong aso!" Galit na galit naman na sambit ni Daniel. Nag e-echo ang malakas nitong boses sa loob ng kanilang bahay. "Pagsabihan mo ang anak mo, Thisa! Kararating pa lang, pero heto't nagsisimula na naman sa kaniyang kalokohan. Pa'no kung may tumawag ng pulis, at imbistigahan ang buong bahay natin?" Patuloy ni Daniel, matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Dodong.
"Halika, puntahan natin." Sabi ni Thisa, ngunit bumalik muna siya sa loob ng Library, para itago ang mga bar*l na kinuha nilang mag-asawa.
Pagkasara niya sa pinto ng library ay patakbo silang lahat na lumabas ng bahay para tingnan kung ano ang ginawa ni Lib sa likuran ng mansion. Natakot din si Daniel, dahil nag-aalala siya na baka nasaktan ang mga alaga niyang aso roon.
Nang makalabas sila ng kusina ay nakita pa nila ang malakas na kulay itim na usok mula sa bahay ni Trump. Galing ng America ang breed ni Trump, kaya ipinangalan ito sa Presidente ng America.
"Liberty Robleeees!" Malakas na sigaw ni Daniel, nang makita ang anak na lumabas sa likod ng puno. "Bakit mo pinasab*g ang bahay ni Trump?! Saan pa ngayon matutulog ang aso ko? Ginawa mo nang homeless!" Nanggigigil sa galit na tanong niya kay Lib.
"Makitulog muna siya kay Duterte, Dad! Malaki naman ang kulungan niya." Tugon ni Lib.
"Aawayin siya ni Duterte! Hindi sila magkasundong dalawa." Sagot ni Daniel.
"E 'de sa bahay ni Putin!" Muling sagot ni Lib.
"Papat@y1n siya ni Putin!" Muling sagot nito sa anak.
Parang gustong lamasin ni Daniel ang bibig ni Lib, dahil sa galit nito sa anak, pero hindi niya magawa dahil mahal na mahal niya ito. Ngunit ang isang kamao niya'y nanggigigil na sa paglamas ng hangin.
"Patulugin mo muna sa kuwarto ni Kuya Dodong. Malaki naman ang kuwarto niya at may sala pa." Muling sagot ni Lib.
"Bakit, aso ba si Dodong, at sa kuwarto niya papatulugin si Trump?!" Muling sigaw ni Daniel.
Hindi naman makakibo si Thisa, dahil ayaw niyang madamay sa galit ng asawa. Ngunit palihim niyang pinadalhan ng message ang kaniyang mga tauhan para ayusin ang bahay ni Trump.
"Hala! Sir Daniel, ang mga lata ng kape n'yo, nakasabit sa puno." Turo ng isang kasambahay sa mga lata ng Maxwell House na tumalsik pataas at sumabit sa mga sanga nito.
Nagtatakang napatingin si Daniel sa puno para makita ang sinasabi ng kasambahay. Napansin din niya ang mga kape na nagsaboy sa buong paligid, hanggang sa mga dahon ng mangga ay nalagyan ng kape.
"Anong ginawa mo sa mga kape ko, Liberty?! Alam mo bang sa America ko pa binili ang mga kapeng iyan dahil pahirapan makahanap ng ganiyang brand dito sa Filipinas? Tapos sinayang mo lang." Muling binalingan ni Daniel ang anak, dahil sa galit niya nang makita niya ang mga nagsaboy na kape sa buong paligid.
"Huwag kanang magkape n'yan, Daddy! Alam mo bang hindi maganda sa katawan ang kape na 'yan? Nakaka high blood! Sige ka, kapag hindi ka tumigil sa pakape ng brand na 'yan, baka ma-high blood ka, o kaya'y ma-stroke ka. Sige ka, kapag namat*y ka, mag-aasawa ulit si Mommy ng mas guwapo at mas bata sa 'yo." Pangangatwiran ni Lib sa ama.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Thisa, dahil sa narinig niyang sinabi ni Lib. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman niya, lalo na nang tumingin ng masama si Daniel sa kaniya.
"Thisa! Totoo bang mag-aasawa ka ng mas bata sa akin kapag namat*y ako?!"
Nagulat si Thisa sa sinabi ni Daniel. Ang lakas din ng sigaw nito. Nag e-echo sa buong paligid ang boses ng kaniyang asawa.
Hindi siya magugulatin, at lalong hindi siya natatakot sa kahit anong bagay. Noong nasa serbisyo pa siya ay ilang beses niyang sinuong ang kamat*yan para sa kaniyang trabaho. Ngunit pagdating sa kaniyang asawa – sigaw pa lang nito ay nangangatog na ang kaniyang tuhod.
"Anong mag-aasawa ng mas bata sa 'yo ang sinasabi mo, D'niel? Ang sinasabi ng anak mo ay ang posibleng mangyari kapag hindi mo tinigilan ang pagkakape mo. Tingnan mo nga ang sarili mo, konting bagay nagagalit kana. Napaka mainitin ang ulo mo, dahil 'yan sa kapeng iniinom mo. Huwag ka nang magkape, D'niel, para hindi ka magkasakit. At baka ang kape na iyan ang magiging dahilan nang pagkakaroon mo ng high blood pressure at baka ma-stroke ka pa!" Sagot ni Thisa. Pilit lang niyang pinatigas ang tinig, pero ang lakas naman ng kaba niya habang nagsasalita.
Hindi pa rin maipinta ng pinakamagaling na pintor ang kaniyang mukha dahil sa matinding galit.
"Malaman ko lang na may lalaki ka, Thisa! Ako mismo ang magpapas@b*g sa kanya, para hindi mo na makita! Tatadtarin ko rin ng pinong-pino bago ipakain kina Crockie at Crae!" Saad ni Daniel na may kasamang pagbabanta. Naniningkit ang mata niya habang nagsasalita, habang nakatapat sa mukha ni Thisa ang hintuturo.
Matapos niyang sabihin iyon ay agad itong naglakad patungo sa kusina. Nang nasa pinto na siya ay muli siyang sumigaw.
"Dinang! Ipagtempla mo ako ng Milo! Mula ngayon, Milo na ang iinumin ko. Bawal na ang kape sa bahay na 'to!" Malakas niyang sigaw.
"O-Opo, Sir Daniel! Sandali lang po at igagawa ko kayo ng Milo n'yo." Natatarantang tugon ni Dinang. Patakbo itong bumalik sa loob ng kusina para ipagtempla ng Milo si Daniel.
Nang maka alis na si Daniel ay hinarap naman ni Thisa ang kaniyang anak.
"Maloloka talaga ako sa 'yong bata ka! Ipahamak mo pa ako sa Daddy mong ipinalihi sa sama ng loob." Inis na turan ni Thisa sa anak.
"Hayaan mo si Daddy, Mommy! Mabuti nga 'yon, para hindi na siya bumili ng kape. Sa dinami-dami kasi ng brand ng kape ay ang kapeng iyon pa ang napili. Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang kape na 'yon!" Tugon ni Lib.
"Kumukulo ang dugo?! At ano naman ang kasalanan sa 'yo ng kape ng Daddy mo at kumukulo ang dugo mong makakita ha?!" Kunot noo na tanong ni Thisa.
"Ah, basta! Ayaw kong makita ang kape'ng iyon! Galit ako sa kan'ya!" Sagot ni Lib, saka niya tinalikuran ang ina.
Napahilamos na lang ng sariling palad si Thisa, dahil sa konsemisyon niya sa mag-ama. "Hay! Maka alis na nga bago ako naman ang masiraan ng bait sa dahil sa mag-ama!" Sambit niya bago pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan naman nakanganga si Dodong, dahil wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng kaniyang mga amo. Nagulat pa siya nang mahulog ang isang lata ng Maxwell House at tumama sa kaniyang ulo. "Aray ko po..."
******
BAGO muling bumalik si Lib sa Baguio City ay pumasok siya sa Octagon para kumuha ng mga costume na ginagamit ng kaniyang Mommy, at mga Tiyuhin sa kanilang mga operasyon.
"Anong gagawin mo sa mga costume na 'yan, Lib? Hindi mo puweding iwala ang mga 'yan, dahil collection ko 'yan!" Nagtatakang tanong ni Thisa sa anak.
"Huwag kang mag-alala, Mommy! Ibabalik ko rin ang mga 'to, kapag nagawa ko na ang mga gusto kong gawin sa mga ito." Tugon naman ni Lib. Punong-puno ang dala niyang travelling bag ng mga costume. "Mommy, kukunin ko rin sa Baguio ang isang Motor mo, para may gamitin akong sasakyan doon. Itatago ko na lang sa bahay ni Daddy Rich, para walang makakita." Paalam din niya sa ina.
"Ikaw na nga ang bahala, Lib! Basta't lagi mong tandaan na bawal kang gumawa ng anumang ikagagalit ng Daddy mo doon, dahil pauuwiin ka talaga niya rito sa Manila." Tugon ni Thisa.
"Okay, Mommy, promise! Ikaw na nga lang ang nag-iisang kakampi ko eh, kaya dapat nakikinig ako sa 'yo, diba?" Saad ni Lib. Lumapit din siya sa ina, at niyakap niya ito.
"Siya nga pala, Lib! Pupunta kaming lahat sa Baguio next week para sa birthday ng Mommy Maria mo. Sa bahay nila sa Baguio gaganapin kaya pupunta doon ang buong pamilya. Kailangang umuwi ka doon para makasama ka rin namin. Darating din ang mga Lola mo, pati ang Daddy A., mo." Paalala ni Thisa sa anak.
"Okay, Mommy! Hayaan mo at darating ako sa mansion ni Daddy Rich! But this time ay gusto kong ipakilala mo ako sa Chinese name ko, para kung may mga bisita si Daddy Rich at Mommy Maria na nakakakilala sa akin bilang si Lib, ay hindi nila ako makikilala na isa akong Ang." Bilin naman ni Lib sa ina.
"Oo na! Hayaan mo't sasabihin ko rin sa Daddy Rich, at Daddy A, mo, para alam nila ang gagawin nila." Tugon ni Thisa.
Tuwang-tuwa naman si Lib, dahil lagi niyang kakampi ang kaniyang Mommy sa lahat ng bagay. Kahit anong gusto niya ay nasusunod, basta alam ito ng kaniyang Mommy.
KINABUKASAN ay muling bumalik sa Baguio si Lib. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya sumakay ng Bus, dahil ang Motor ng kaniyang Mommy ang kaniyang sinakyan pabalik roon. Ngunit hindi siya pina alis ng ina hangga't hindi siya pumapayag na may mag-escort sa kaniya sa daan.
Mahaba ang biyahe pabalik ng Baguio City, lalo pa't manggagaling siya ng Manila. Ayaw din magpahatid ng helicopter si Lib, kaya pinagbigyan na nila ito sa gusto nitong gawin.
Paglabas ni Lib sa kanilang malaking bahay ay nagulat pa siya nang makita roon si Lancer. Naka suot ito ng black Rider outfit, kasama ng tatlo pang tauhan ng Mommy niya.
"Kuya Lancer, anong ginagawa mo rito sa bahay namin, at paano mo ako nasundan dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lib sa lalaki. "Oh, wait!... No-" Dagdag pa niya na umiiling.
"Yes, Ma'am Lib! Isa ako sa mga tauhan ni Madam Thisa." Sagot sa kaniya ni Lancer. Tatlo kami na nagbabantay sa 'yo doon sa Baguio. Ako, si utol, at si Joshua." Tugon ni Lancer, saka niya tinuro si Joshua.
"Magandang umaga, Ma'am Lib!" Agad naman na pagbati ni Joshua sa dalaga.
"Ikaw 'yong nakasakayan ko sa Bus, pabalik dito sa Manila, diba? Bakit hindi ka nagpakilala?" Sambit ni Lib.
"Pasensya na Ma'am, eh, kabilin-bilinan kasi ng Mommy n'yo na huwag daw akong pahahalata sa 'yo, kaya hindi ako lumalapit sa 'yo, Ma'am Lib." Nahihiyang sagot ni Joshua.
"Ganon ba? Sige, pagbalik natin sa Baguio, dating gawi! Hindi tayo magkakakilala." Tugon ni Lib.
Natuwa naman ang mga Bodyguard niya sa kaniyang sinabi. Umalis sila nang mansion na naka sakay ng mga Big Bike. Ang Motor ni Lib ay pinagitnaan ng apat na motor, para masigurong ligtas itong makakarating sa Baguio. Kapansin-pansin na isang mahalagang tao ang kanilang ini-escortan dahil sa uri ng gamit nitong Motor, ganon rin ang suot nitong red rider suit.
Madaling araw silang umalis sa kanilang mansion sa Manila, at bago magtanghalian ay nakarating na sila sa mansion ni Richard sa Baguio City. Nasa isang exclusive subdivision ang bahay ni Richard Ang, ang kapatid ng kaniyang Mommy.
Pagdating nila sa mansion ay naka handa na ang kanilang tanghalian doon. Kumain silang lahat bago sila umalis para muling bumalik sa dati nilang mga tirahan.
MAKALIPAS ang isang linggo ay muling nakita ni Lib, si Vice Mayor Maxwell Palmer. Agad siyang naghanda para sa binabalak niyang gawin sa binatang Vice Mayor.
Nakatayo si Maxwell sa tabi ng kaniyang kotse, habang may kausap ito sa phone, nang biglang may lumapit sa kan'yang matandang babae.
"Hijo, puwede ba'ng humingi ng pera mo, pambili ko lang ng candy!"
Nagulat si Maxwell, dahil sa tinuran sa kanya ng matandang babae. Napatingin siya rito, ngunit bigla din siyang napalayo dahil sa takot niya sa hitsura ng balat ng matanda.
Para itong may ketong na nagbabakbak ang mga natuyong sugat nito. May hawak na baston, at lumang-luma na ang suot na damit. Inilahad ng matandang babae ang kaniyang palad para humingi ng perang pambili nito ng candy.
Mabilis namang pinat*y ni Maxwell ang tawag at isinilid sa loob ng bulsa ang kaniyang cellphone. Nanginginig ang mga kamay na dinukot ang wallet sa likod at kumuha ng Limangdaang piso, saka niya inabot sa matandang babae.
"Nay, kunin n'yo po ito. Bumili na rin kayo ng bagong daster n'yo at cream na pampahid sa mga sugat niyo." Saad ni Maxweel, habang inaabot ang Limangdaang piso sa matanda.
"Salamat, Hijo! Ang bait mo naman." Sabi sa kaniya ng matanda, bago ninabot ang perang ibinibigay ni Maxwell.
Ngunit nang malapit na ang kamay ng babae sa kamay ni Maxwell at bilga na lang siyang hinawakan sa pulsuhan ng matanda at hinila siya palapit sa kaniyang katawan at niyakap ng mahigpit.
"Waaaa! Help me! Somebody help me!"" Malakas na sigaw ni Maxwell, habang pilit na inilalayo ang katawan sa matandang ketongin.