Sofia “Dude! Kumusta?” bati ni Samuel pagdating nila sa table namin ni Ross. Napatingin ako sa naka hawak sa braso ni Samuel na si Dhivika, ewan ko ba, wala akong tiwala sa pangiti nito sa akin parang may ibig sabihin na hindi ko lang matukoy. Nakangiti kasi tiningnan kami ni Ross at ako. Si Samuel biniro ako tipid lang akong ngumiti. Nagtapikan naman ng balikat ang magkakaibigan bago ako balingan ni Samuel at biniro. Kilala na kasi nila ako ni Luke kaya sanay ako at kaya kong sakyan ang biro nito. “Ikaw, baby Sofia, kumusta naman kayo ni captain De Torres?” “Ayos lang po Kuya Samuel,” sagot ko sa kanya na kinasamid ni Ross at Luke. Nagkamot ng buhok si Samuel samantala si Ross at Luke tuwang-tuwa nag-apir, para bang natuwa pa sa pang-aasar ko kay Samuel. “Burn ka ngayon Dude. Bab

