CHAPTER 2

850 Words
Syndelle Tatlong araw na ang nakalipas noong dumalaw si Tita Ella at Tito Kheeze sa bahay namin at ngayon naman ay naghihintay ako dito sa may pinto habang tinatanaw ang gate. Sobrang saya ko noong sabihin ni tita na doon na muna ako mag stay sa bahay ni Khing tapos uuwi lang ako dito 2 days before ang kasal para naman magkasama kami ni Khing. Ilang oras na paghihintay pa at na ngawit na ang paa ko kaya pumasok muna ako sa loob,wala ngayon si mommy dahil kailangan nya asikasuhin ang Restaurant na pag-aari namin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa paghihintay kay Khing naramdaman ko nalang nang may tumapik sa balikat ko. "Gising"agad kong nakilala ang boses kaya agad akong dumilat at umayos ng upo't kinusot ang mga mata ko saka ito tinignan at nginitian pero nag-iwas lang ito nang tingin at tumalikod."Aalis na tayo"malamig na anito at lumabas na. Nakita ko naman ang dalawang maleta ko na nasa gilid ng Pinto at agad itong kinuha't hinila palabas. Grabe ano ba tong mga nilagay ko sa bagahe at ang bibigat?!hirap na hirap ko itong hinila hanggang sa may dalawang kamay ang umagaw nito. Gulat ko itong tinignan pero inismiran lang ako nito at naunang pumunta sa kotse nya habang dala ang dalawa kong bagahe,lihim naman akong napa ngiti dahil dun. Hindi na ako na gulat nang nauna itong sumakay sa kotse nya ng di man lang ako pinagbubuksan,pumasok ako sa passenger seat at tahimik na ikinabit ang seatbelt ko. Nagsimula nang umandar ang sasakyan at sa buong biyahe ay panay ang sulyap ko kay Khing habang sa daan lang ang paningin nito. Hanggang sa marating namin ang subdivision nya at naguluhan pa ako dahil hindi naman ito ang subdivision na alam kong tinitirhan nya. Sa pagkakaalam ko sa Pearl Subdivision sya nakatira pero ngayon papasok kami sa Mr.Hot men's Subdivision hmm sabagay nararapat sya dito dahil hot naman talaga sya. Sa iisiping yun ay lihim akong napa ngiti,huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang dilaw na gate,tila awtomatikong bumukas ang gate at mula dito sa labas ay tanaw ko ang isang mansion. Tuluyan ng huminto ang sasakyan ni Khing at bumaba narin ako,parang walang nakatira sa bahay wala akong makitang kahit isang kasambahay man lang,ah siguro nasa loob silang lahat at may kanya-kanyang gawain. Nakita kong ibinababa ni Khing ang mga bagahe ko at lumapit naman ako saka ko kinuha ang mga iyon pero bago ko pa man hilahin ang mga yon ay nauna na itong binuhat ng walang kahirap-hirap. Di na ako umimik pa dahil bigla akong nahiya at natatakot akong baka magalit sakin si Khing at paalisin nya ako dito at di ko na sya makakasama pa. Pagkapasok ay sumalubong sa amin ang isang babaeng kaedad ko lang at nakangiti itong tumingin sakin na ginantihan ko naman,"Magandang araw po ma'am,sir"bati nito at tinanguhan naman ito ni Khing. "Rona this is Syndelle"pakilala nito sa akin at marahan akong kumaway rito at ganon din ito. "HI!Ma'am Syndelle"mahahalata ang tuwa sa mukha nito habang nakatingin sa akin. "Hi Rona!and please call me Syn stop the formality"nakangiting ani ko and she giggled bago ito tumingin kay Khing na biglang natikhim. "Rona dalhin mo muna sya sa kwarto nya aalis lang ako"anito at napa kunot noo naman ako. "Saan ka pupunta?"tanong ko pero tinignan lang ako nito saka umalis,he's going to see janice.I know. Sumunod ako dito hanggang sa pinto at pinanood ko lang itong sumakay sa sasakyan nya at napa buntong hininga nalang ako,andito na ako sa bahay nya pero hindi ko parin sya makakasama kaya paano ko kukunin ang loob nya at paano ko sya mapapamahal sakin kung ganito sya? "Syn"napa lingon ako kay Rona at nginitian ito,lumapit ito sakin at niyakap ako,"alam ko ang sitwasyon mo Syn,alam kong ikaw ang fiance ni Sir at alam kong may ibang kasintahan din sya"anito na aking ikina ngiti ng mapait. "Hmm"tanging tugon ko at pilit na pinasigla ang aking sarili,"Rona ihatid mo na lang ako sa kwarto ko"ani ko at bumitaw sa pagkakayakap nya. Tumango ito at kinuha ang dalawang bagahe ko pero pinilit kong ako na ang magdadala nung isa dahil mabigat ang mga iyon.Lumipas ang oras at hindi parin umuuwi si Khing hanggang sa umabot ang gabi. Si Rona naman ay nagpaalam na uuwi na raw,hindi ko alam na hindi pala stay in si Rona rito kaya nalungkot ako dahil masaya pa naman syang kasama. Nang makaalis na si Rona ay naisipan kong magluto ng hapunan dahil marunong naman akong magluto lalo na't may pag-aari kaming resto at gustong-gusto ko ang tumulong sa kitchen. Natapos na akong magluto at lumalamig narin ang mga pagkain dahil sa paghihintay kay Khing,gusto kong sabay kaming kumain pero hindi parin sya dumarating gayong madaling araw na. Hanggang sa makatulog nalang ako sa hapag ay hindi pa rin sya dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD