“Leaf, do I really need to study? May maganda at stable na trabaho naman na sina mama at papa sa ibang bansa. Baka pwede namang hindi na lang ako mag-aral?” sambit ko na ikinakunot-noo ng kapatid ko pati na rin ng boyfriend niya.
Naiinis pa rin kasi ako dahil sa nangyari kahapon at ayaw kong makita ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko.
“You're overreacting, Letty!” sambit nito at taas-kilay na hinarap ang boyfriend niyang si Kuya Kit. “Kit, kausapin mo nga ito. Ipaliwanag mo kung bakit mahalaga ang mag-aral.”
Nagulat ako sa sinabi ni Leaf kaya tiningnan ko si Kuya Kit bago mabilis na kinuha ang susi at bag ko.
“Sabi ko nga, papasok na ako!” sarkastikong sambit ko at nagmamadaling lumabas. Kung magsalita kasi si Kuya Kit ay parang sesermonan ako nito.
Alam naman nilang ayaw ko nang sinesermonan ako.
Nang makalabas ng bahay, agad akong sumukay sa sports bike ko at nagsuot ng helmet.
Mabait si Kuya Kit, actually mag-iisang taon na sila ni Leaf next month. Botong-boto nga ako kay Kuya Kit para sa kapatid ko. Lagi rin niya hinahatid sundo si Leaf sa bahay at sa eskwelahang pinapasukan nila dahil college na sila pareho at isa pa, sobrang bait ni Kuya Kit. Kung college sila, ako naman ay senior high sa Montero High.
Wait? Montero? Kung hindi ako nagkakamali, e Montero rin ang apilyedo nung Gio.
FUCK!
“Siya nga!”
“Yuck! Ano naman kayang pumasok sa isip ni Gio para halikan 'yan?”
“Girl, alam mo ba? Itinanggi pa niya kahapon na hindi raw siya interesado doon sa apat pero gustong-gusto naman niya nung hinalikan siya ni Gio.”
Argh! Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa kanila. Nakakainis! Iniisip ko pa nga kung ang mga magulang ni Gio Montero ang may ari nitong MONTERO HIGH, tapos nakikisabay pa itong mga chismosang ito!
Naglalakad na ako ngayon sa corridor patungo sa classroom pero mukhang ako ang center of attention ngayong araw. Biruin mo, pagkapasok na pagkapasok ko sa school grabe kung makatingin sa akin ang mga babaeng nakakasalubong ko tapos may ilang chismiss pa akong naririnig tungkol sa akin.
Never in my f*****g life na magugustuhan ko ang paghalik nung lalaking iyon. Nandidiri ako sa mga sinasabi nila.
2nd day of school pa lang pero ganito na agad ang bumungad sa akin. Tss! This is why I really hate to enrolled in other school, mas gusto ko sa Mabini High dahil mababait ang mga tao doon except sa dalawang taong kinaiinisan ko doon kaya ako napalitan rito.
Padabog akong umupo sa upuan ko nang makapasok ako rito sa classroom. Halos lahat ng mga mata ng kaklase ko nakatingin sa akin. Para bang binabantayan nila ang bawat galaw ko.
Nabaling naman ang tingin naming lahat sa pinto nang pumasok ang apat na lalaking sunod-sunod.
Nag-init agad ang dugo ko nang magtama ang tingin namin ng lalaking kinaiinisan ko. Si Gio! Nakangisi pa ito sa akin habang naglalakad papalapit mismo sa akin.
“How's my kiss? Nagustuhan mo?” nakangising tanong niya, na ikinairap ko. Nakaluhod rin ito sa may harap ko.
Nakashades pa rin ito at para bang ayaw ipakita ang black eye niya. Sigurado akong naging black eye rin ‘yung pagsuntok ko sa isang mata niya.
“Asa! It taste langka.” maarteng sagot ko at pilit na ikinakalma ang sarili ko. “at ayoko nang langka.” dagdag ko pa. Hindi ko naman alam kung lasang langka ba talaga dahil hindi ko na napansin iyon kahapon dahil naiinis ako sa kaniya.
Nagulat ako nang tumayo ang lalaking katabi ko at siya naman ang pumalit rito at umupo.
Don't tell me dito na siya uupo sa tabi ko?
“Really? But I like your lips... It's sweet.”
WHAT THE f**k?! INIINIS BA AKO NG LALAKING ITO? I... I WANNA PUNCH HIM HARD AND STRAIGHT IN HIS FACE!
“Kalma, masyado ka na namang galit... Namumula kana sa galit, oh" rinig kong bulong nito at agad ko naman itong naitulak nang marealized na sobrang lapit pala ng mukha nito sa akin, na para bang magkakadikitan na ang pareho naming pisnge. Tumatawa pa ito na para bang nang-iinis.
Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang boses sa labas.
“Students, what are you doing here? May artista ba rito sa loob?” rinig ko sa isang galit na boses na mukhang kinakausap ang mga nagkukumpulang babaeng estudyante sa labas ng classroom. Nakita ko rin ang kaagad na pag-alisan ng mga estudyante sa labas at saka pumasok ang isang hindi katandaang mababang babae— ang first subject teacher namin ngayong umaga.
*****
“INIINIS MO BA TALAGA AKO, HA?” pasigaw na tanong ko dito sa lalaking katabi ko nang makaalis si Mrs. Gadil—ang first subject teacher namin.
Para kasing tanga! Ininominate kasi ako nito kanina as escort sa subject ni Mrs. Gadil tapos nagkunware pang sabi ng “Ay, mali! Babae pala ito? Akala ko kasi lalaki, ma’am. Masyado kasing flat chested.” pinagtawanan tuloy ako ng mga kaklase ko kahit alam naman nilang hindi naman totoo ang sinabi ng gagong ito dahil kitang-kita naman na hindi ako flat chested dahil malaki ang dibdib ko. Panlaban ito.
“What? I didn't do anything... Right, Kleo?” painosenteng aniya niya at tinanong pa ang kaibigan niyang katabi niya.
Sandaling nagkatinginan naman kami nitong Kleo pero agad din itong umiwas ng tingin. “R-Right!” sambit ni Kleo na ikinairap ko sa kawalan. Malamang kakampihan niya itong gagong ito, magkaibigan, e.
Dumating naman na ang susunod na subject teacher at katulad ng kay Mrs. Gadil nagpa-elect lang ito para sa subject niya. Mabuti na lang at tumigil na itong katabi ko at hindi na ako pinagtripan pa hanggang sa natapos ang oras ng klase.
Kasalukuyan na rin akong kumakain rito sa cafeteria at hindi pa rin nawawala ang mga tinginan ng mga estudyante sa akin.
Hanggang kailan ba matatapos ito? Putek! Feeling ko tuloy artista ako na pinalilibutan ng mga paparazzi.
“Woah! Nandito si Stephanie. Ano kayang gagawin niyan dito?”
“Baka susugurin 'yung lumalandi kay Gio?”
Nabaling ang atensyon ko sa babaeng kakapasok lang rito sa cafeteria dahil halatang siya ang Stephanie na tinutukoy nang mga estudyanteng naririnig kong nag-uusap.
Katulad ng mga nababasa ko sa libro ay may nakasunod rin ditong dalawang kasamahan niya. Nagtama ang tingin namin nito at napansin kong naglalakad na ito papalapit rito sa pwesto ko. Ako ba ang sadya niya?
“Hi”
Nakangiting bati niya nang makalapit ito sa akin na halata mo namang plastic. Sa itsura pa lang niya ay masasabi kong mag-aapply itong clown katulad nung babaeng dwendeng may powers na nakasagutan ko kahapon sa classroom.
Hindi ko naman ito inintindi at sumubo na lang ng pagkain ko.
Mas mabubusog pa ako kung kumain ako kaysa makipag-usap sa mga taong halatang wala namang kwentang kausap.
“OMG! She... ignored me” maarteng sambit nito na para bang pinipilit pang umiyak.
“What do you want?” kunot noong tanong ko at nagcrossed arms pa.
Ngumisi naman ito dahil siguro pinansin ko na siya
“Stay away from si Gi—”
“Okay, I don't like him anyway.” walang kagana-ganang sambit ko na mukhang ikinainis naman nito. What's wrong with her? Pumayag na nga ako.
“You didn't like him but you enjoyed his kiss yesterday? Such a good lier!” sarkastikong sambit niya, na ikinakunot muli ng noo ko.
What's wrong with these f*****g people?
Sino naman ang tarantadong mag-eenjoy sa halik ng taong kinaiinisan niya, aber?
“Looks like you are also a gossipmonger.... But sad to say, I really didn't enjoy his kiss. Lasang langka kaya ang labi niya.” sambit ko na pinipigilang matawa. “At ayaw ko ng langka.”
Magsasalita na sana itong babaeng kaharap ko nang marinig namin ang tilian ng ibang estudyante at nakita namin ang pagpasok ng apat na lalaking feeling F4.
Great! Good timing! Ito na 'yung tamang panahon para matigil agad itong kahibangan ng babaeng ito pati na ng iba.
“HEY, YOU SON OF A b***h, GIO! CAN YOU TELL TO THIS TRASH MINDED GIRL NA WALANG NAMAMAGITAN SA ATIN? THEY KEEP SPREADING RUMORS!” sigaw ko para makuha ang atensyon ng apat. Okay na rin ito kaysa lumala pa ang nagkakalat na balita, na gusto ko raw ang halik ni Gio.
Nagkatinginan naman kami ni Gio at bigla itong ngumisi.
“WHAT? YOU SAID YOU LIKE ME, SABRINA. PINIPILIT MO PA NGA AKONG LIGAWAN KA, HINDI BA?" sigaw nitong sambit na ikinagulat ko at napahawak sa baso kong may juice.
WHAT THE HELL?
Bigla namang inilipat sa akin ang mga tingin nila at binibigyan nila ako ng isang nandidiring tingin.
“Ohmyghad! Tatangi ka pa, e si Gio na mismo ang nagsabi. Saka yuck! Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Ikaw mismo ang nagpupumilit na ligawan ka ng isang lalaki at hindi ka pa talaga nahiya? Ang may ari pa talaga nitong school ang tinarget mo.” sambit nitong babaeng nasa harap ko kaya naman pabagsak kong inilapag sa mesang may tiles ang basong hawak ko dahilan para mabasag ito.
Halata sa mga mukha nito ang gulat dahil sa nakita nilang pagbasag ko sa baso. Pati si Gio at mga kasama niya halatang gulat na gulat rin katulad ng ibang estudyante.
Ano ba kasing pinagsasasabi ni Gio? Talagang gusto ata nitong iniinis ako.
“YOU SON OF A b***h!” inis na sigaw ko at galit na naglakad para sana suntukin si Gio pero hindi pa man lang ako nakakalapit sa kanila nang maramdaman ko ang paghapdi ng kanang palad ko at nakita ko ang mga dugong tumutulo galing rito.
Fuck! I think my body system is starting to break down.
I am afraid of bloods.