“G-Gio?” gulat pero mahina kong sambit. Paanong andito ang isang ito? Bakit siya andito? Bakit siya nakapasok? Saan siya nakakuha ng waiver? Bakit... Bakit hindi na kulay puti ang buhok niya? “Sabrin—” “IT'S TIME, STUDENTS! TAKE OFF YOUR MAAAAAASK!” sambit ng MC gamit ang microphone. Narinig ko ang sigawan ng mga kapwa ko estudyante. Ito ang pinakahihintay nilang part ng ball. “Hey! Sabrina, remove your mask and your partner's mask.” rinig ko sa pasigaw na sambit ni Selena habang may kasayaw ito. Hindi naman masyadong malayo ang pwesto nila sa pwesto namin. Ba't ako kinakabahan sa lalaking kaharap ko? Anong bang ginagawa niya rito? Napansin ko naman ang paggalaw ng kamay niya at marahang tinanggal ang mask na suot ko. Nakita ko ang pagngiti niya. Ngiting ngayon ko lang nakita. Ngi

