“But Leaf, I can't! Hindi ko na kayang pumasok pa doon. Nakakainis ang mga tao doon. You know Selena, right? Nakakainis iyon, sinabihan ako ng walang kwenta, hindi ba sinabi ko na sa'yo?” sambit ko at narinig ko namang nasamid sa pag-inom ng kape si Kuya Kit. “Lilipas rin 'yan, Letty! Ano bang gusto mo? Palipat-lipat ka ng school?” pagalit na sambit ni Leaf dahil sinabi ko rito kanina, na gusto ko nang lumipat ng school pero nagalit. “Yes! Bakit hindi? Basta ayoko sa school na iyon, ang malas ko sa Montero Hi—” hindi ko natapos pa ang sasabihin ko nang makarinig kami nang pagkatok sa pinto. “Let's talk about this later, Letty. Magbihis ka na dahil male-late kana sa klase.” sambit ni Leaf gamit ang mahinanong boses bago ito nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumatok. “Gio, ikaw pala iy

