[ F L A S H B A C K ] “Hey, are you alright?” sambit nitong batang lalaki sa harapan ko. May benda ang braso niya dahil nabaril siya noong nakaraang gabi dahil sa akin. Hindi ko ito kilala pero iniligtas niya ako doon sa matandang gusto raw kumuha sa akin. “Hey?” “Ikaw! Ba't mo ako iniligtas? Superhero ka ba? ha?” taas kilay kong tanong at tinusok-tusok pa ang noo niya. Napakamot ito sa batok. “Oo, kung hindi ako superhero bakit kita niligtas?” napangiwi ako sa sinabi niya. Eh? Pinaglololoko niya ba ako? Si Killua lang ang gusto ko! Paborito ko si Killua! Si Killua ang gusto kong magliligtas sa akin! “Feeling superhero ka lang! Ang gusto kong magligtas sa akin ay si Killua! Alam mo bang pogi iyon saka kulay puti ang buhok? Dapat kulay puti rin ang kulay ng buhok mo! Gusto ko si Kil

