Medyo madilim na ang kalangitan, kalalabas ko lang ng eskwelahan. Marami-rami rin akong kapwa estudyanteng kasabay na naglalakad. Hindi pa magaling ang sugat ko sa kanang braso ko kaya hindi ko pa magawang magmaneho. Masyado nang nai-stock ang motor ko sa bahay. Sa sabado naman, dadalawin ko ang sports bike na iniregalo sa akin ni Chase sa racing circuit. Ayos naman na raw iyon kaya andoon lang rin naka-stock. Isa pa, matagal-tagal ko na ring hindi nakikita si Chase simula noong birthday ko. Kasalukuyan ako ngayong naglakad sa labas ng eskwelahan patungo sa may sakayan. Nakakapagod maglakad at masyado namang magastos ang magcommute. Gusto ko nang gumaling agad itong sugat ko para makapagmaneho na rin ako at makahabol pa sa magaganap na Motor Racing Tournament sa Tarlac. Kahit naman naaksi

