“I'm back! Good evening, Leaf!” bahagya akong natawa. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking ito. Hindi pa rin marunong kumatok bago pumasok. Saka ang bilis rin nitong nakabalik. Parang umihi lang at hindi tumae katulad ng sinabi niya. “Heh! Ba't andito ka? Akala ko ba nakakatae 'yung niluto kong adobo?” taas-kilay na sambit ni Leaf, na ikinangiwi naman ni Code. Aba! Kaninang kinakausap ko siya ay hindi niya ako tinitingnan pero lingon agad siya nang pumasok si Code. “Oo nga, bakit bawal bang bwisitahin ka?” Malakas akong natawa dahil sa naging sagot ni Code. Siraulo rin talaga ang isang ito. Kung wala lang boyfriend si Leaf, baka magkatuluyan pa ang dalawang ito dahil sa nakakataeng adobo ni Leaf. “Don’t laugh, Letty! Saka anong bwisitahin? Pasyente ako, ha? Pasyente ako?” iritang samb

