LETTY SABRINA SABROSA’s P.O.V Ang boring! Takte! Unang araw ng klase as a college student at pasalamat na lang talaga ako at nalilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng cellphone ko. Andito ako sa cafeteria ng faculty namin at mag-isang kumakain ng lunch. Ni-wala akong kasama sa table dahil mag-isa lang ako rito. Para akong loner, hindi katulad sa Mabini High na lagi kong kasama ang mga kaibigan ko sa cefeteria kapag kumakain. Nang matapos kong kumain. Agad akong dumiretsyo sa susunod kong klase. Nakakapagod 'yung ganito. Ang pagod maglakad patungo sa iba't-ibang subjects namin. “Hi, Sabrina.” nakangising bati ng lalaking naaksidente noong nakaraang araw. May gamit rin itong saklay pang-suporta sa paglalakad niya. Nakalabas na pala ang isang ito sa hospital? “Papauwi kana?” nakangi

