Do you believe in fairies? Argh! Kung totoo lang talaga ang mga fairies, maniniwala ako. Tapos magwi-wish ako na sana mabalian ng mga kamay itong si Frost! Para hindi na ako kuliting ng weirdong iyon! Bwisit! It's been a week and a half pero ang siraulo, panay pa rin ang pagchat sa akin. I already blocked his main account para hindi niya ako machat o kung ano man? Pero ang siraulo gumagawa ng dummy accounts tapos panay ang chat sa akin ng mga kung ano-anong nonsense naman! Nakakainis! Napilitan tuloy ako ngayon na magdeact ng f*******: account ko dahil sa siraulong iyon. “Letty, nasabihan mo na ba 'yung mga kaibigan mo?” tanong ni Leaf habang may kinekwenta ito sa isang calculator. “Hindi pa! Bwisit kasi si Frost! Nagdeact tuloy ako ng accout ko... Pahiram muna ng cellphone mo, makikic

