“Sabrina, are you done with your part? Ang hirap nitong akin. Patulong naman please!” parang batang sambit ni Jolina. Isa sa mga kamiyembro ko para sa group report. Bahay rin nila itong pinaghatiran sa akin ni Gio kanina. Ang laki ng bahay nila. Nasa subdivision pa at may ilang katulong. “Luh? Asa ka. Ang hirap nga nitong sa part ko, e. Kaya mo na iyan. Saka pagod na ang mga daliri ko, ‘no!” sagot ko. Kung hindi dahil sa internet nila rito sa bahay nila baka ni isang word wala akong maisulat. Ang hirap! “I wonder kung bakit ka nagustuhan ni Gio, e ang damot mo, Sabrina.” parang batang sambit niya, na ikinakunot-noo ko at ikinatawa naman nitong tatlo pa naming kasama. “Baka nagiging madamot talaga kapag si Gio ang naging boyfriend, Jolina? Syempre, kung si Gio lang ang naging boyfrie

