"Ako si Bryan Williams," sabi ng lalaking may ginintuang buhok at asul na mga mata. "Jordan Cuevas," sabi ng lalaking may light brown na buhok na may brown na mata. "Nathaniel Browley," sabi ng isang lalaki na may light-blonde na buhok na may kulay abong mata. "Thalia Taylor, Iyah na lang ang itawag mo sa akin," sabi ng isang batang babae na may maitim na buhok at kayumangging mga mata. "Ako si Lalaine Browley, kambal ko si Nate!" sabi ng isang batang babae na kapareho ng blonde na buhok at kulay abong mata ni Nathaniel. Napapansin ko na ang bawat babae ay nakasuot ng parehong uniporme sa akin at bawat lalaki ay nakasuot ng parehong uniporme ni Jeffrey. At, galing sila sa ibang bansa. "Hi," sabi ko, kumaway ng kaunti. Tumakbo si Thalia at hinawakan ako at hinila sa crowd. "OMG! Papa

