CHAPTER THIRTEEN

2814 Words
Lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Tiningnan ko si Raf at ibinalik ang tingin ko kay Jace. "What the--" naputol ang sasabihin ko dahil sinipa ni Raf ang paa ko sa ilalim. Tiningnan ko naman siya ng masama. Ibinalik ko uli ang tingin ko kay Jace at nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Parang uminit bigla ang mukha ko. Tinanguan naman ako ni Jace at agad kong iniwas ang tingin ko sa sobrang gulat. Talk about being weird. Hindi ko na ibinalik pa ang paningin ko sa direksiyon ni Jace. Parang hindi ko siya kayang tingnan. Ba't parang nahihiya ako? Ba't parang crush ko ata siya lalo? f**k! Muntikan ko ng masabunutan ang sarili ko kung hindi lang ako binigyan ni Raf ng junk food. "Ay girls, this is my new friend Nathere and his gang," sabi ni Raf habang itinuro ang lalaking nakita ko sa ospital na kaibigan pala ni Jace. Siya pala 'yung nagdala sa akin sa ospital. Tinanguan niya lang kaming lahat. Siya ba 'yung ka-chat ni Raf mula kanina? Ibinaling ko ang paningin ko kay Raf at bumulong. " Siya ba 'yung ka-chat mo kanina pa?" bulong ko kay Raf, hindi naman nila kami napapansin na nagbulungan dahil busy din sila sa mga ginagawa nila. "Oo girl, magmo-move on na ako kay Jace, sa'yo na lang siya. Mas gwapo naman si Nathere," kinikilig niyang sambit sabay nakaw ng tingin kay Nathere na kasalukuyang nakikipag-usap sa isa pa niyang kaibigan. Tahimik lang si Jace at nagsasakita lang kapag tinatanong. Ganun din ako. Gusto ko ring dumaldal pero baka maingayan ai Jace sa akin at ma-turn off. That's the last thing that I want to happen. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang kumakain ng pizza. Naka-order na sila ng beer at nagsimula ng uminom. Tinanggihan ko noong una ang basong ipinasa nila sa akin pero nagpumilit talaga sila kaya wala na akong choice kundi inumin. Nakatingin kasi sila sa akin kanina habang hawak ko lang ang baso at nakatitig sa laman nito. Naisip ko kasinna baka malasing ako at matagalan ng uwi, magagalit talaga si mama sa akin. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nagdecide na maglaro. Nag-uusap lang sila lahat at tinatamad akong magsalita at makinig kaya nag-cellphone na rin ako. Hindi naman nila ako binigyan ng pansin dahil focus na focus sila sa pag-uusap. Nagdecide nalang akong makinig din dahil baka masabihan pa ako ng kung ano-anong salita jan. "....tapos ang sabi ng iba, bakla o lalaki daw ang serial killer, na-offend ako dun ng very slight, hindi ko alam bakit," natatawang sabi ng isang kaibigan ni Raf. Natawa na rin ang iba. Nakuha naman ng atensiyon ko ang sinabi niya. Saktong-sakto ang topic niya, nandito si Jace. Nagkukwentuhan lang sila about doon sa mga recent na murders. Panay naman ang nakaw ko ng tingin ko kay Jace. Tinitingnan ko kasi ano ang magiging reaction niya everytime na-memention ang killer. Pero wala. Wala siyang reaction. Patuloy lang siya sa pakikinig sa kanila na para bang interesado sa topic. Mukhang hindi talaga siya guilty sa mga ginawa niya. Hindi naman siya nagbibigay ng komento sa tuwing nagkukwento ang kaibigan ni Raf. Pero nakikinig siya rito. Nakatitig lang ako kay Jace ngunit ibinaling ko agad kay Nathere dahil bigla siyang tumingin sa akin! Mukhang naramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Napamura naman ako sa isipan ko. Sige, titig pa. Kinuha ko ang basong nasa kamay ni Raf at tinungga ito. Agad namang nasira ang mukha ko dahil sa lasa. Deputa, akala ko chaser. Tinawanan naman ako ni Raf. Hindi ko na ibinalik ang tingin ko kay Jace, nahiya na ako dahil parang nahuli niya ata akong nakatitig sa kanya kanina. Ilang minuto ang lumipas, marami na sa mga kaibigan ni Raf ang nalasing. Including me. Uminit na ng sobra ang mukha ko, tinry ko ngang humiga sa sahig sa sobrang init talaga, mabuti nalang at pinigilan ako ni Raf. "Girl, ano'ng ginagawa mo?" natatawa niyang tanong at may kaunting tama na rin. Tiningnan ko siya at bigla akong tumawa. Hindi ko alam kung bakit pero natatawa ako sa mukha niya. Narinig ko namang marami na ang tumatawa kaya mas lalo akong natawa. Hindi ko na alam kung ako ba ang tinatawanan nila pero nakakatawa silang lahat pakinggan. Hindi ko na kinaya kaya humiga na ako sa sahig, hindi na ako napigilan ni Raf dahil pati siya ay lasing na lasing na rin. Tiningnan ko ang direksiyon ni Raf. Nakaupo siamya sa kandungan ni Nathere at nagbubulungan sila. "Landi," sabi ko sabay hagikhik. Bumangon ako at nag-umupo. Ibinaling ko naman ang paningin ko sa direksiyon ni Jace, napangiti ako dahil nakatingin siya sa akin. Humagikhik ako lalo dahil tumayo siya at lumapit sa direksiyon ko. Ang aga naman namin nalasing. "This is fun," sabi ko habang papikit-pikit ang mata. "You're really drunk." Pinilit kong imulat ang mga mata ko para tingnan ang nasa harapan ko. Si Jace. Napangiti naman ako nang masilayan ko ang mukha niya. "Ang pogi mo," sabi ko at hinaplos ang mukha niya dahil naka-dekwatro siya sa harapan ko. Mabuti nalang at hindi niya iwinaksi ang kamay ko. Magpapasalamat na talaga ako sa alak dahil nakaka-tsansing ako sa crush ko. "You should probably stop, all of your friends are drunk," sabi niya at tumayo na. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ko ang pantalon niya, napahinto naman siya ng maramdaman ang paghawak ko. Tiningnan niya ako at ningitian ko siya. "'Wag mo 'ko iwan," mahina kong sabi pero tama lang para marinig niya. Nakatitig lang siya sa akin kaya tinitigan ko rin siya. Parang nawawala na ang epekto ng alak sa akin. Pero hindi pa rin ako tinatablan ng hiya. Nandito na lang din naman ako, ipagpapatuloy ko na lang. Hinila ko si Jace papaupo kaya nakaharap na siya sa akin ngayon. Pupungay-pungay ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "What?" tanong niya sa akin matapos ang ilang minutong katahimikan. Ngumisi lang ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman kong nagulat siya dahil bigla siyang gumalaw. Ilang minuto rin kaming ganun. Hindi niya inalis ang pagkakasandal ko sa kanya kaya natuwa ako. "Jace," sabi ko at ipinikit ko ang nga mata ko. Narinig ko namang sumagot si Jace. Dream come true ito. Suddenly may biglang pumasok sa isipan kong tanong na dapat kong itanong kay Jace na alam kong pagsisisihan ko kapag hindi na ako lasing. Pero dahil lasing pa ako, I think that now is the time. "Do you have a secret?" sabi ko at iniangat ang ulo para matingnan siya sa mata. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa akin at biglang ngumiti. Nagulat naman ako doon. Parang nawala bigla ang kalasingan ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at tinitigan siya ng maigi. "Alam kong meron kang sekreto. Kagaya ko, may secret din ako. Sasabihin ko ang akin, sasabihin mo rin ang sa 'yo," sabi ko sa kanya ng seryoso. Tumango naman si Jace. Parang biglang bumagay ang panahon dahil biglang kumulimlim ang paligid. Uulan ata mamaya at heto ako maagang nalasing. "Okay, so ang secret ko ay," pinutol ko muna ang sasabihin ko at tinitigan si Jace sa mata "crush kita." Walang hiyang sabi ko. Natawa naman si Jace. "Daya mo, ikaw naman," I said and pouted. f**k nasusuka ako. "Okay," sabi niya while smiling. "I have a secret to tell you, I..." inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinintay ang susunod niya sasabihin. "I? Ano? I what? I ki--" naputol ang sasabihin ko dapat dahil biglang lumabas ang suka sa bibig ko. Nasukaan ko pa ata ang damit ni Jace pero hindi pa rin ako tumigil. Napamura naman si Jace kaya napatawa ako ng bahagya, pero sumama rin agad ang mukha ko dahil sa panget ng lasa. f**k, hindi na ako iinom ulit! Nakita ko namang tumatawa lang ang mga kasama namin habang nakaupo sa sahig. Kami nalang ang tao sa treehouse kaya pwede kaming mag-ingay. Umalis si Jace at nakita kong hinubad niya ang polo niya na nasukaan ko, para naman akong nahimasmasan dahil tumayo ako nagpaumanhin kay Jace. Hindi niya ako pinansin. Mukhang annoyed siya sa akin. Naguilty naman ako bigla. Progress na 'yon e! Nakakainis! Hindi na talaga ako iinom! As in never! Napangiwi naman ako dahil bigla kong maamoy ang suka ko. Ang baho! Ako pa lang ata ang sumuka. Tumayo ako at ipinahid ang palda ng uniform ko sa aking bibig na may suka pa. Narinig ko namang nag-yuck sila kaya natawa ako. Aarte ng mga 'to. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang gumalaw ito, parang epekto ng kalasingan ko. Nahihilo pa rin ako. Pumunta ako sa kinaroroonan nina Raf. Nag-uusap pa rin sila ni Nathere, hindi napansin ni Raf ang paglapit ko tanging si Nathere lamang ang nakakita sa paglapit ko. Tinanguan ako ni Nathere at bumulong siya kay Raf, napatingin naman si Raf sa kinaroroonan ko, nag-wave siya sa akin at tanging tango lang ang ginawa ko. Umupo ako sa tabi nila at pumikit. Inaantok ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ---- Nakatitig si Nathere sa mukha ni Raf. Nasa likod niya nakaupo si Missy kaya tiningnan niya ito. Naiirita na rin siya sa lingkis ni Raf sa kanya kaya binalingan niya ng tingin si Missy. Maganda ang dalaga, iyan ang nasa isip ni Nathere. Sobrang inosente ng mukha nito. May paghanga si Nathere kay Missy at alam ito ng halos mga barkada nila. Ngunit alam din ni Nathere na may paghanga si Missy sa kaibigan niyang si Jace. Parang masakit pa sa kalooban niya ang paghanga ni Missy sa kaibigan niya. Matagal na niyang gusto ang dalaga ngunit nahihiya siyang lumapit dito. Pormal na silang nagpakilala sa isa't-isa noong lumapit si Raf sa kanila at bulgar na sinabing may paghanga silang dalawa kay Jace. Hindi niya maalis ang titig noon kay Missy. Sobrang crush niya ito. Doon niya rin nakilala si Raf at naging malapit silang dalawa. Ngunit hindi pinahalata ni Nathere na may paghanga siya kay Missy. Parang ginamit niya lang si Raf para mapalapit kay Missy. Sa katunayan siya ang nagsabi kay Raf na isama si Missy, gusto niyang makita ang dalaga. Sobrang takot ang naramdaman niya noong makita nila ni Jace na nakahandusay sa daan ang dalaga. Mabuti na lang at siya ang unang nakakita dito. Dali-dali niya itong nilapitan at inakay papuntang ospital, iniwan na niya ang kaibigang si Jace na naestatwa sa gilid. Sobra ang pag-alala niya noon. Ano kaya ang nangyari sa dalaga at nahimatay ito? Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang okay naman ito. Kanina noong makita niyang nakasanday ang ulo ni Missy sa dibdib ni Jace, labis ang kanyang selos. Pinilit niyang iniwas ang kanyang paningin at ibinaling ang atensiyon kay Raf na panag naman ang hawak sa dibdib niya. Sinabihan na niya si Raf na kaibigan lang talaga ang turing niya rito. Umamin na kasi si Raf sa kanya na may paghanga ito. Hindi niya naman aakalain na dito mapupunta ang paggamit niya kay Raf. Hindi niya naman ginusto na magkagusto sa kanya si Raf. Ibinalik niya ang paningin kay Missy dahil bigla itong napasandal sa likod niya. Lihim naman siyang napangiti. Hindi naman nakita ni Raf ang pagsilip ni Nathere kay Missy dahil lasing na rin ito at papikit-pikit na ang mata. Inalis niya ang kamay ni Raf na nasa dibdib niya at inayos ang pwesto ni Missy. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakasandal nito sa likod niya at ipinahiga sa inuupuan nila. Mahaba naman ito at kutson kaya hindi sasakit ang likod ni Missy kapag nagising na siya. Hindi pwedeng nakasandal si Missy sa likod niya lagi kahit gusto niya ito. Para kasing hindi komportable ang pwesto ni Missy kanina sa likod niya. Tinitigan niya ang dalaga at biglabg natawa dahil bigla itong ngumuso. Hindi niya napigilan ang sarili at bigla niya itong kinurot. "What are you doing?" Inalis agad ni Nathere ang kamay niya sa pisngi ni Missy ng makarinig ng boses. Tiningnan niya ito at hindi na siya nagulat nang makita niya si Jace. "I just find her cute. That's all," tipid na sabi ni Nathere. Hindi naman nakumbinsi si Jace pero hindi na niya inusisa pa si Nathere, sa halip at umupo siya malapit sa ulo ni Missy. Napatingin naman si Nathere sa kanya. Parang sumama bigla ang timpla ng hangin noong tumitig pabalik si Jace. Ilang minuto rin silang nagtitigan ngunit tinawag sila ng isa pa nilang kaibigan at sinabing ubusin na nila ang natitirang beer para makauwi na sila. Sabay na tumayo si Jace at Nathere at lumapit na sa pwesto ng mga kaibigan nila. "Porke't isa lang 'yung babae dito, pag-aagawan niyo na," natatawang sabi ni Luigi, ang kaibigan nilang dalawa. Napailing naman si Nathere at natawa. Habang si Jace naman ay walang reaksiyon. Nagsimula na silang uminom at hindi nila namalayan na naubos na pala nila ang kanilang iniinom. May tama na halos ang mga kaibigan nila, si Jace at Nathere naman ay konti lang ang ininom. Alam na rin kasi nila ang mangyayari sa tuwing iinom ang mga kaibigan niya. Kinuha ni Nathere ang cellphone niya sa kanyang bulsa at tinawagan ang kanilang family driver. Magpapasundo nalang sila dahil alam niyang matatagalan sila ng uwi sa ganitong sitwasyon. At ayaw niya ring magabihan si Missy. Tiningnan niya ang dalagang mahimbing na natutulog sa gilid. Mabuti nalang at may dala siyang sasakyan, doon nalang niya isasakay si Missy. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang driver nina Nathere. Tinulungan nina Jace, Nathere at ng driver na akayin ang mga kaibigan patungo sa saksakyan. Pinagkasya nila sa likod ang iba dahil medyo masikip na sa loob. Nang matapos nilang akayin lahat ay doon lang na-realize ni Nathere na hindi kakasya si Jace. Nadismaya naman si Nathere. Akala niya maso-solo na niya si Missy. Wala naman siyang gagawing masama sa dalaga. Gusto niya lang itong titigan ng mas matagal. Pero mukhang hindi niya magagawa iyon dahil isasakay ni Nathere si Jace sa dala niyang sasakyan. Sinabihan niya si Jace na sa sasakyan niya nalang sila sasakay at tumango naman ito. Ngunit nahagilap ng paningin ni Jace ang natutulog na si Missy sa gilid. "What about her?" tanong ni Jace sa kaibigang nagliligpit ng mga naiwang gamit. "Sa sasakyan ko nalang siya sasakay." Tipid na sagot ni Nathere. Alam na rin ni Jace na may gusto ang kanyang kaibigan sa dalaga ngunit hindi niya sinabing may alam na siya. Lumapit si Jace sa kinaroroonan ni Missy at akmang bubuhatin ito ngunit naunahan siya ni Nathere. "Let me do it." Bahagya pang natulak si Jace kaya hinayaan nalang niya ang kanyang kaibigan. Ipinasok ni Nathere si Missy sa sasakyan pagkatapos ay sumunod sila ni Jace. Tahimik lang silang nakaupos sa sasakyan. Ngunit isang realisasyon ang pumasok sa isipan ni Jace. "Hindi natin alam kung saan siya nakatira," sabi ni Jace at tiningnan ang nagda-drive na si Nathere. "Alam ko," sagot ni Nathere at iniliko ang sasakyan sa isang kanto. Nadaanan na nila ang 7/11 hudyat na malapit na sila sa bahay ng dalaga. Hindi na umimik pa si Jace. Tinatamad din siyang magsalita na. Hindi na niya tinanong kung bakit alam ni Nathere ang bahay ni Missy. Biglang huminto sa isabg maliit na bahay si Nathere. Tiningnan naman ito ni Jace. Dito nakatira si Missy. Maliit lamang ito at may gate na kulay green. Lumabas si Nathere ng sasakyan kaya lumabas na rin si Jace. Binuksan nila ang pintuan sa likod at binuhat ni Jace ang natutulog na si Missy. "Tao po!" Sigaw ni Nathere sa labas ng gate. Hinanap naman ni Jace ang door bell ngunit wala siyang makita kaya tumayo nalang siya sa gilid at naghintay. Bigla namang lumabas ang isang naka-bestida na ginang. Ito ang nanay ni Missy. Hindi naman mataas ang gate nina Missy kaya agad na nakita ng mama niya ang tao sa labas ng kanilang gate. Nang makita ng ginang ang buhat na katawan ng isang lalaki at dali-dali siyang tumakbo sabay bukas sa gate. "Ano'ng nangyari? Nahimatay ba siya ulit?" Sunod-sunod na anong ng nanay ni Missy. Magalang naman na sumagot si Nathere. "Hindi ho, lasing ho siya," nakangiting saad ni Nathere, napasinghap naman ang mama ni Missy. "Kayo kasama niya? Sino ba kayo?" Kumunot na ang noo nito kaya napa-uh-oh sa isipan si Jace. "Ay hindi ho, kaibigan po kami ng kaibigan niya, hinatid lang ho namin si Missy dahil ayaw pa pong gumising," guilt-ing saad ni Nathere. Tahimik lang na nakatingin sa kanila si Jace. Hindi na nagtanong pa ang nanay ni Missy at agad na nagpasalamat sa dalawang binatang naghatid sa anak niya. Hindi niya naman pwedeng pagalitan ang tulog at lasing kaya hihintayin niyang magising ito. Ipinasok nina Nathere si Missy sa bahay at agad ding umalis. Nagpasalamat ulit ang nanay ni Missy at nang makaalis ang mga 'to ay napailing siyang tumingin sa kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD