Monday na naman kaya heto kaming tatlo ngayon nila Ynna at Ambria sa entrance ng school, hinatid lang kami ni Marju at pagkatapos ay umuwi na siya agad. Siya nga pala after nung nakita namin si Clarke sa mansion ni Don Roman ay hindi pa rin ito tumatawag sa akin at hindi ko rin macontact ang phone niya.
Hindi ko rin mahagilap sila Jax at Lance, saan di kaya nagpunta ang dalawang yun? Tanong ko sa isip ko ng biglang akong kalabitin ni Ambria sa braso.
"Where's your boyfriend, nandito ba siya?"Aniya habang naghihintay ng isasagot ko. Napalinga-linga din si Ynna sa paligid habang naglalakad kami sa malawak na hallway nitong school.
"I don't know simula kasi ng makita natin siya sa mansion ni Don Roman ay hindi na ako nakatanggap ng tawag at text na galing sa kanya.
"Talaga ba? Hindi naman ganun si Clarke. Lagi nga yun nag a'update sayo kapag aalis siya, tapos how come ngayon hindi na?"Sambit naman ni Ynna, na kahit ako ay nagtaka rin dahil hindi naman ganito si Clarke.
Biglang pumagitan si Ambria sa amin ni Ynna at mabilis na umakbay sa amin."Baka busy lang kaya wag ka masyadong mag-isip dyan."Ani Ambria.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka uwi ng bahay namin, pinuntahan na nga lang ako dito ni Lance at Jax. Hindi ko rin na tawagan si Everest naubusan kasi ako ng load at medyo malayo rin ang mga tindahan dito.
"Is she your girlfriend?"Biglang tanong ni Don Roman ng makita nito ang wallpaper ko sa phone.
"Yes, po."I said and saw him frown but I just ignored it and immediately put my cell phone in my pocket
"Okay, are you going to marry her?" He asked, so I smiled and nodded at him.
"Yes, I will marry her and I already bought a ring to propose to her. I know it's too early to ask her to marry me, but I love her very much."
"I'm happy to hear that, but will you still marry her, if you find out what she did?"Don Roman said that made me over think.
"Just forget about what I said, basta kung saan ka magiging masaya naka suporta lang ako sayo. Pero sana Lagyan mo parin ng puwang dyan sa puso mo ang anak ko."Ani Don Roman.
"Lagi siyang nasa puso ko. At hindi na mawawala yun, kasi nakaukit na siya dito."I pointed to my heart.
"Dito muna kayong tatlo ha? May tatawagan lang ako sandali. Mag enjoy kayo, kung gusto niyo inom ng alak marami dyan, at kapag nagutom naman kayo ay sabihin niyo lang sa mga maids."
Nagpasya kaming tumambay muna sa bar counter ng bahay ni Don Roman kung saan kami laging nag tatambay na apat noong buhay pa si Samantha, pero bawal pa siyang uminom 17 pa lang kasi siya no'n, kaya kaming tatlo lang nila Lance at Jax ang pwede uminom ng alak kasi 18 na kami non.
"Clarke ano kayang ibig sabihin ni Don Roman kanina ng sinabi mo na pakakasalan mo si Everest."Tanong ni Jax habang nilalaro ang baso sa mga kamay niya.
"I don't know. Siya nga pala Jax, gusto mo ba talaga si Ynna?"Bigla naman namula ang magkabilang pisngi niya dahil sa tanong ko. Confirm! May gusto nga talaga siya kay Ynna.
"Paano kung sabihin kong gusto ko siya, maniniwala ba kayo?"Sambit nito habang naka de kwatro ng upo.
"Oo naman naniniwala kami, pero sa oras na saktan mo ang kaibigan ng girlfriend ko makakatikim ka talaga nito."Sabay pakita ko ng kamao ko sa kanya.
"Naku paano na lang si Mady? Ayaw na ayaw pa naman ng Ex mo na yun na mapunta ka sa iba. Tiyak na hindi papayag yun."Sambit naman ni Lance, kaya tila nakaramdam ng kaba itong si Jax.
"Matagal na kaming hiwalay ng babaeng yun! Kaya tigilan niyo na nga kaka sabi sa pangalan niya kasi nakaka bengi."
Tumayo si Jax at umupo sa tabi ko pagkatapos ay sinalinan ng alak ang baso kung wala ng laman."Pakakasalan mo ba talaga si Everest?"
Seryoso naman akong tumingin kay Jax at agad na ininom ang alak sa baso ko."Yes, kaya don't worry dahil kukunin ko kayong groomsmen at bridesmaids naman si Ynna."
Kumislap naman ang dalawang mata ni Jax dahil sa sinabi ko kaya hindi namin mapigilang dalawa ni Lance na hindi tumawa."Talaga tapos partner ko si Ynna? Sige! Sige. Go ako dyan."
Biglang tumunog ang phone ni Ambria habang nasa kalagit.an kami ng klasi at halos kaming lahat napatingin sa kanya dahil sa malakas na sigaw niya.
"What? Where are you?"Ani Ambria. Kaya sabay kaming napatingin kay Prof at sinabing sasamahan muna namin si Ambria sa labas.
"We are hiding! But I don't know where Gab-Gan run, si Isla lang ang kasama ko. Hahanapin ko sana si Gab-Gab pero ayaw niya magpa iwan e. I'm sorry."
"Okay just stay calm. Papunta na kami dyan."Pagkatapos sabihin yun ni Ambria ay nag palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Ynna, halata rin ang kaba sa mukha niya.
"How about Isla?" Gulat na tanong ni Ynna, while I hurriedly took the car from the parking lot and quickly let them both ride.
"She's fine and she's hiding with Marju."Tila nabunotan naman ng tinik si Ynna, sa sinabi ni Ambria sa kanya
"Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka parin lumalabas sa dyan, papatayin ko ang batang ito!"Sigaw ng isang boses lalaki. At ng tignan naman ito ni Marju ay nakahawak ito sa kwelyo ng damit ni Gab-Gab, kaya wala na siyang nagawa kundi ang lumabas at iwanan muna si Isla sa tinatagoan nila.
"Lalabas na ako wag mo lang saktan ang bata!"Sigaw ni Marju habang nakataas ang dalawang kamay ngunit tila ba hindi sumangayon sa kanya ang sitwasyon ng marinig niya din ang sigaw ni Isla. Sinunda pala siya nito kanina ngunit hindi niya yun napansin.
"Bitawan niyo ako!"Sigaw ni Isla.
"Wag niyo silang sasaktan ito oh, lumabas na ako. Kaya ako nalang ang saktan niyo."
Kinuha ni Marju ang isang baseball bat na nakapatong sa may piano at agad na pinaghahamapas isa-isa ang mga taong lumalapit sa kanya, at dahil magaling siyang makipaglaban ay apat nalang ang taong nakatayo ang natira, dahil tulog na ang siyam sa kanila. Pero ganun paman ay hindi alintana kay Marju ang mga sugat na natamo niya sa pakikipaglaban sa mga yun wag lang nilang saktan si Gab-Gab at Isla. At kahit magaling siyang makipaglaban ay malakas din ang siyam na nakalaban niya.
"Wag kang lumaban sa amin, hayaan mo kaming gawin kung anong gusto naming gawin sayo. Kung ayaw mong barilin namin ang dalawang batang ito!"
"Sige! Basta wag niyo lang silang saktan, payag na ako." Ani Marju. Kaya sinipa siya ng mga ito at pinagsusuntok sa kahit saan parte ng katawan niya at pinag hahampas ng baseball bat. Ng biglang magkasabay apat na putok ng baril ang narinig niya. At dun nakita niyang sabay-sabay na natumba ang apat na lalaki sa sahig.
"Who sent you here? Sagutin mo ang tanong ko! Kung ayaw mong patayin ko ang pamilya mo!"Sigaw ni Ambria ng makita niya ang sinapit ng boyfriend niyang si Marju sa kamay nila.
"Wag niyo saktan ang pamilya ko. Sasabihin ko na. Si Don Roman ang nag utos sa amin."Aniya.
"Mommy! Ate!"Sabay na sigaw ni Gab-Gab at Isla.